~30~
"Anak, maalala ko lang. Kamusta na pala ang mga kaibigan mo? Sa UST pa rin ba nag-aaral ang dalawa?"
Napaangat ako ng tingin kay Mama. Bahagya pa yatang nagbuffer sa isip ko ang tanong dahil hindi agad ako sumagot dito. Sa lahat ba naman ng oras na pwede siyang magtanong eh ngayon pa habang focus na focus ako habang kumakain ng dinner. Nice.
"Uhm... Si Charlie, Computer Science sa Uste, Ma," sabi ko at bumalik muling hinarap ang pagkain. Halos madaliin ko na nga din iyon.
"Eh yung bading? Cosmetology 'no?"
"Meron ba 'non sa Uste, hahahaha."
Matalim na tingin lang ang isinagot ko kay Kuya J habang tawang-tawa pa rin sila ni Kuya K. Sinaway din ang mga ito ni Lola.
"Seryoso na 'to, ano ngang course niya?" nakangisi pa ring tanong ni Kuya J.
Matagal akong hindi nakasagot sa mga ito. "Hindi ko alam kung nag-engineering siya."
Hindi na ako nagtaka na maang silang napatingin sa sinabi ko.
"Hindi ba't nagkikita pa kayo ng kapatid ni Mac? Yung bading, hindi? Nag-away ba kayo?" nagtatakang tanong ni Kuya K.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Tapos na po ako. May kailangan lang po akong tapusing homeworks. Magrereview din po ako," sabi ko sa mga nakakatanda sa hapag bago binalingan sina Kuya. "Hindi."
"Eh bakit—"
"And stop calling him 'bading' when you clearly do not understand what that word means in its real sense."
"Boom panes! Patay ka bro, baka may Latin history pa pala 'yan!" humahalakhak pang saad ni Kuya J sa kapatid nito.
Seriously, nangangati ang dila ko na i-discuss ang Freudan theory about homosexuality. Of how one research comprehensively discussed a psychoanalytic model of male homosexuality with a history and theoretical critique anchoring the view of Freud on that paper. But that would be lengthy and too boring kaya hindi ko na lang sila pinatulan at tuloy-tuloy na umakyat sa kwarto.
Pero habang naglalakad ay bigla ko na lang naalala ang isa sa mga key features sa nabasa ko about sa...
Homosexuals suffer a pathological condition caused by a disturbed upbringing and developmental arrest…
Malamang nasa disturbed upbringing si Chang kung totoo ngang...
Pero ayoko pa ring tanggapin na homo siya! Bangasan ko sina Kuya eh, kung anu-ano na tuloy ang na-e-entertain ng utak ko, kainis. Hahaha.
Nang tuluyang makapasok sa silid ay sinadya kong daanan ang isang painting na nakasabit malapit sa dressing ko. Isa iyon sa ginawa ko noong malapit na ang graduation namin sa high school. It was a portrait painting. Naming tatlong magkakaibigan. Magkakaakbay kaming tatlo at pawing nakangiti. Pero sinadya kong si Charlie lang ang nakalabas ang mga ngipin na tila masayang nakatawa. Siya lang naman kasi ang super loud ang reaksyon sa aming tatlo. Kahit ganoon lang, tingin ko ay makikita na sa portrait painting kung sino ang pinakamasayahin at sino ang pinakaseryoso.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...