~24~
"W-Why are you here? Where's..." medyo luminga-linga pa talaga ako sa paligid bago muling binalik ang tingin ko dito. "Urrhmm. I mean... bakit ka nandito?"
Shit. Bukod sa napa-English na nga ng wala sa oras, napaghahalatang...
"May date ka? I mean, na-istorbo ko ba ang date mo?" tanong nitong nakalimutan na yata ang tanong ko.
May date?! 'Pinagsasabi ng lalaking 'to? "Ha?"
Napalingon ako sa likod ko dahil lumampas na ang tingin nito sakin at nakita kong nasa labas na din pala ng pinto ang puno na kanina lang ay kausap ko.
Stalker, amp. Joke lang, hehe.
"Ah, hindi. Ano, may..." Ano ba'ng sasabihin ko? "Uhm... Tara Mase, nakaharang na tayo sa pintuan eh," sabi ko na lang at nauna nang naglakad dito.
Naramdaman ko naman ang agad na pagsunod niya sakin. Medyo ilang sandali din kaming lakad lang nang lakad hanggang sa ito din ang naunang nagbukas ng paksa.
"Tungkol dun sa tanong mo pala... Okay lang sa'kin."
Mabilis na napatingin ako sa sinabi nito. "Ha? Ano'ng tanong?" Bakit wala akong maalalang sinabi ko just a few moments ago?
"Uhm... Yung sa ano... Sa post-it na nilagay mo sa paper bag?"
Napahawak na lang ako ng bibig nang mapagtanto ang sinabi ni Mason.
Holy crap!
I was't planning to give the post-it! Reminder ko lang yun eh! Tsaka mukhang scratch paper pa yun!
Waaaaaa! Nakakahiya kaya ang nakalagay dun, huhuhuhu.
Namumula ang mukhang hindi ako makatingin dito habang inaalala ang kagagahang nasulat ko sa post-it.
Mase,
Is it okay for you to accompany me on the
second (Saturday) of September? Our family
will be hosting a dinner for a business launch.
I will only attend until my mother gives her
speech then we can go to our date? I hope that
would be fine... it's okay if... I really, really hope
that it's okay with you, hahaha :P
PAANO BA KASI NAPUNTA YUN DUN?! Huhuhu.
"Hindi ba—"
"Uhm, nope. Iyon nga iyon. Haha. Sige, salamat sa pag-unlak. It's settled then," nakayuko pa ring saad ko.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...