Cuarenta y uno

14.2K 550 324
                                    

~41~

"So how was your auto mechanic session?"

Ngumiti ako ng malapad. "Enjoy Ma, syempre. Kahit kailan ang patient ni Tatay magturo."

"Talaga?"

"Opo, walang kupas. Sabi niya kung may particular akong modelo ng sasakyan na gusto kong maging sasakyan sa huli, dun ako magfocus mag-aral ng mabuti. Iba-iba daw kasi ang makina ng mga sasakyan. I need to be up to date. Hindi naman niya alam daw lahat. Pero wala namang kaso sakin. I just want to know the basics lang naman muna."

We were having a date at Eastwood. Kakatapos lang naming manood ng movie at nasa Buffet 101 kami nag-early dinner. Dapat nga nandito din sina Kuya. Inaya din kasi sila ni Mama, pero may kanya-kanyang mga lakad daw. I think si Kuya J may meeting sa kliyente at si Kuya K naman, make-up class and exam.

I'm not sure if that's true though, hahaha.

"Ibig sabihin, ang mga makina ng sasakyan na meron tayo, alam mo nang i-troubleshoot?" pagliliwanag ni Mama.

Napatigil ako sa pagsubo at napaisip saglit.

"Uhmm.... Medyo pamilyar pa lang 'Ma, hindi pa ganun kagaling. Kinikilala ko pa lang ang mga parts. Their functions, locations, possible cause of breakdown, ganyan..."

"I can tell na dun sa mga sasakyan natin sa bahay magsisimula si Mang Tonyo. But tell you what. Humble lang yang si Mang Tonyo, pero updated yan, Nak. Nagte-training school yan once in a while, sa kagustuhan din ng lolo mo," she casually added.

"Looks like he really had a training background. He could explain almost everything I asked Ma, like articulately!"

"Pero bakit ba naman pati pagme-mekaniko anak, pinag-interesan mo pa?" natatawang tanong nito.

I coyly smiled. "So when I have my own car in the future at masiraan ako sa daan, kaya kong ayusin. I don't need to ask for help, di ba."

"Futuristic. Not that I'm insinuating to buy you one, 'cause I still think it's not safe for you to drive, pero ano bang kotse gusto mo in the future?" tanong nitong kunyari eh mas interesado siya sa kinakain na steak kaysa sa tinatanong niya sakin.

Kunwari pa tong kaswal magtanong si Mama, hahaha.

I tried to suppress my smile.

"I know, I know. Sa totoo lang hindi pa ako decided Ma eh. Dati gusto ko ng sports car, cause you obviously know why. Pero depende pa talaga sa specs. Saka na. Pwede naman akong makihiram na lang kina Kuya. Parang mas cool nga magmotor na lang eh. Nakakatamad din namang magdrive minsan sa klase ng traffic meron ang Pinas," mahabang pahayag ko dito, with my heart a little hopeful while doing some fast beating sa biglang pagtanong nito.

"Mas delikado ang motor anak, batang 'to. Ano ba naman iyang mga kinahihiligan mo," naiiling na saad nito. "Most vehicular accident involves a motorist."

I was about to argue about proper safety precautions and what-not pero sa huli'y pinigilan ko na lamang. Mahaba-habang diskusyon lang 'to sakali.

"That was just a thought Ma. Wag mo na lang pansinin," sabi ko na lang dito.

"Hmm. Whatever you say," she shrugged and change the subject. "What about school baby? Coping so far? Nag-e-enjoy ka naman sa course mo?"

Hindi talaga pumapalya sa pagtanong ng ganyan minsan tong si Mama. Hahaha. Lagi talaga niyang inaalala baka napipilitan lang akong mag-Engineering kahit ilang ulit ko nang sinabi na okay na ako at nag-e-enjoy na sa piniling kurso.

"Okay naman. Still stressful at times, but everyone is naman sa school. I guess it's part of being a student talaga. I'm coping."

Ngumiti si Mama sa sagot ko.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon