~15~
"You should visit your father."
Napalingon ako kay Mama sa sinabi niya. Kasalukuyan kaming nanonood ng balita habang kumakain ng popcorn. Magkatabi kami nitong nakaupo sa sofa.
"Why?" tanging saad ko pagkatapos dumaan ng ilang segundo.
Wala naman siguro siyang sakit, di ba?
Pagkatapos ng office hours kanina ay dumiretso si Mama sa condo para sabay kaming magdinner. Then susunduin siya ni Tatay Tonyo maya-maya. As usual, hanggang prepare lang ako ng lamesa at tagahugas ng pinagkainan namin dahil hindi ako magaling sa kusina, hahaha.
Sobrang dami daw niyang inaasikaso sa negosyo lately but she wants to make sure na once in a while, we’ll have some alone time together katulad nito. Nakakatawa nga kasi habang kumakain kami kanina ng hapunan, naibulalas niya na ayaw niya pala talaga akong magcondo sana. Na iniisip niya ang safety ko, yung mag-aasikaso ng kakainin ko, maghuhugas ng pinagkainan ko at kung anu ano pa. Kaso wala siyang choice kundi ang hayaan akong maging independent. Said, she doesn’t want to hold me back and stop growing on my own.
I know it’s very hard on her part lalo’t ngayon na nga lang kami magkasama ulit after so many years. Pero hinayaan niya pa rin ako dahil iyon ang gusto kong mangyari: to live independently.
And for that, I love her even more.
Ang pinakamatapang na taong kilala ko sa buong existence ko. Si Mama. Wala nang iba.
Nabasa ko kasi sa isang philosopy book na sinulat ng isang professor tungkol sa parenting, sabi ng isang British psychologist daw, "there's one kind of love whose aim is separation: the love of parents for their children. That a truly successful parental love means letting the child become independent and separate from your lives as early as possible; the earlier the separation, the more successful you have been as a parents."
I have to agree on that after pondering about my own life experience.
Kasi gustuhin mang akuin ng mga magulang ang lahat ng sakit na dinadanas ng anak upang huwag lang masaktan ito, alam mong mali ang pamamaraang iyon. Kasi paano siya matututo kung hindi siya muna masasaktan at tumayo sa pagkakadapa? Paano siya magiging mas matatag at mas matapang kung lagi ka na lang handang akuin ang lahat ng pagkakamali niya?
Parents are there to guide us, but not to take responsibility of the consequences of our choices and shortcomings.
The wounds, the bruises, the scars and the sufferings that we’ve been through… they are there to remind us that we were weak once, but we get stronger in the fullness of time.
Kaya nga dahil dun, naisip ko, hindi man sinadya ni Mama na iwan ako dati dahil nakipagsapalaran siya sa ibang bansa, it had served its purpose naman. I may have learned the hard way, but nobody can put me down easily now.
No one. And even if they dare, I WILL TAKE THEM DOWN.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...