~37~
October first week
Psych 101
"...where do you think the word 'instinct' first come from?"
Sumabay ako sa mga buntong-hininga na naririnig ko sa mga kaklase. Obviously, everyone was bored of the class discussion. Kung hindi man lahat, antok na antok na ang karamihan sa mga ito.
I was really not. Because I was busy checking my phone for something I couldn't understand what. And why.
Wala. Wala naman talaga. It's not really necessary. Tinitingnan ko lang naman ang screen ng iPhone ko, paiilawin at titingnan kung may text. I was being weird, I know.
But why do I have this urge to text him first?
Naalala ko pa ang huling mensahe nito pagkauwi namin galing Tagaytay.
Mason:
Salamat ulit. Tulog ka nang
mahimbing tulad ni Lark. :)
Muli kong kinuha ang cellphone at ini-scroll sa parte ng mensaheng iyon at tahimik na binasa saka pinindot ang attached MMS. Kuha iyon ni Lark na nakabaluktot at halatang tulog na tulog habang bahagyang nakasilip naman ang isang mata ni Mase sa gilid.
Lark...
Napangiti na lang ako na parang ewan. Tuwing nababanggit ang pangalan ng beagle, hindi ko maintindihan kung bakit may kakaibang sensasyong dulot ang hatid niyon. Knowing where the name originated.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo ah, ano'ng nagyayari sayo?" natatawang bulong ni Nina sakin na bahagyang ikinapiksi ko.
"Wala."
"Kaninong mata yan?"
What the-- "Akin!" Mabilis pa sa alas kwatrong ibinulsa ko ang cellphone.
Simula ng maging groupmate kami sa mga group works, magkakatabi na kaming apat sa klase. Okay lang naman sakin kahit madalas, ang kukulit ng dalawang babaeng pinagitnaan pa ako, hahaha.
"Tsaka may hinihintay lang kasi akong ano... Medyo impo--"
"I told you it's important eh! Her pa 'no? I didn't hear or see her with a boylet naman eh," sabat naman ni Thea na hindi na pinatapos ang sinasabi ko.
Mabilis silang natahimik nang sawayin na ni Teofy. Napatingin na kasi si prof samin.
Yet here I was again, isang minuto pa lang yata ang nakalipas, pero kinuha ko na naman sa bulsa ang cellphone at sinilip.
Geeeeez! This is so embarrassing, pero bakit ganito?! One week after ng business launch, may tatlong magkakasunod na araw din kaming nagpapalitan ng mensahe ni Mase. That was Friday to Sunday. Wala namang special sa pinag-uusapan namin. Simpleng kumustahan lang at kung anu-anong school stuff. Basta ewan kung gusto lang nitong magfocus kami sa school during weekdays. That was really thoughtful of him, pero kung ganun nga... Bakit gusto ko na yatang dumating ang Biyernes?!
![](https://img.wattpad.com/cover/8853824-288-k68959.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...