Cincuenta y seis

5.3K 316 305
                                    

~MA56~

"Nasaan na kasi yon?" frustrated na saad ko habang isa-isang ipinatong ang mga nakahanger na damit na nasa loob pa ng garment cover bags. I've been walking back and forth in the walk-in closet for the past hour rummaging through the clothes in search of the calling card.

"I know I left it in one of the pockets of my dress, pero saan? And which dress? Argh!"

Nang matapos maipatong ang lahat ng garment cover bags sa kama, isa-isa ko na namang pinagbubuksan iyon para tignan ang laman at inspeksiyonin ang mga damit. I'm trying to be very careful para hindi ko na kailangang kunin sa pagkakahanger ang mga damit at maayos ko ding maibalik sa cabinet. Nasa pang labinlimang garment cover bag na ako nang aksidente kong masira ang pobreng lagayan. Dala na din ng pagod at katamaran, instead of unzipping it, I ripped the whole thing and broke the hanger so I can just take the clothes inside faster.

Halos mapasipol ako nang makita ko ang laman niyon. It was the dress that I wore inside my toga during our high school graduation. Halos hindi ko na maalala itong damit na ito. I just started folding it when I felt a hard piece of paper in its pocket. Nang kunin ko iyon sa bulsa ng damit ay napakunot-noo na lang ako.

It was a green envelope. I didn't want to seem inquisitive, but my body was suddenly wrapped with extreme curiosity.

And besides, it's inside the pocket of my own dress so this is supposed to be mine anyway.

Louie,

I never expected getting close with you. Matapos mo akong masindak noong oriention, I was really upset and mad at you. Lalo pa noong imbis na kampihan ako ni Charlie, gusto ka pang maging bestfriend. To be honest, nabagabag ako noong nalaman mong may chance akong makipagsabayan sayo academically. Pero, as it turned out, you bested me. At wala namang kaso sa akin yun.

You are all things but ordinary. Laging kakaiba ang trip mo. I had never met any girl who practices MMA at nananatiling balingkinitan ang katawan. Ikaw palang talaga. Ganda mo ah! Hinahangaan ko din versatility mo. Pero, may isang bagay ka pang hindi nagagawa eh. Ang pilipitin ang katawan na parang sa contortionist. Joke lang.

One thing I admired you for, is being strong. Yung tipong, kahit anong ibato sayo kaya mong harapin. You never back down on anything. Bilib din ako sa sipag mong mag-aral. Hindi mo lang siguro alam pero... ang pangunguna mo sa klase ang drive ko kaya nakakaya kong makipagsabayan sayo.

Sobrang laking pasasalamat ko talaga at nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko. Sabi nga, swerte ang mga lalaking naging parte ng buhay mo. Imagine mo nalang kung gaano ako blessed. Ako nakalapit sa isang tulad mo na pinipilahan ng mga kalalakihan. At hinahangaan ng lahat!

Kaya ngiti ka lang lagi Louie. Kasi di mo alam kung ano ang epekto noon sa mga tao. You have that smile that can make everyone who sees it be at peace. Sobrang witty mo pa. Tapos, astig pa, at higit sa lahat, mabait. Siyempre given na yun na maganda ka. Dami ngang nag kaka-crush sayo eh. May kakilala ako na close sakin. Sa totoo lang, pati ako nga crush ka din eh.

Wag mo akong pagtawanan at huwag mo na ding tangkaing batukan ako pag nagkita tayo. Crush lang naman 'to eh. Mawawala din to agad. Malamang pagnagkita tayo ulit after ilang years wala na 'to. Kaya wag ka munang magpakita agad ah!

Biro lang. Pero promise. I will really really miss you. I know na this friendship we have, we will cherish for life. I wish you all the best.

Ingat palagi!

Chan-Chan

"Ah.. ano... b-basahin mo na lang yan kapag uuwi ka na ng Pilipinas."

Tila light bulb na bumalik sa gunita ko ang mga katagang iyon ni Sebastian.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon