~11~
Hindi rin kami nakapag-Skype ni Charlie kinabukasan paggising ko, hahahaha.
Sorry naman. Paano kasi, kailangang sulitin ang stay nina Kuya Justin at Kuya Kurt, kaya gumala kami buong araw and the day after. Kulang nga ang tatlong araw na bakasyon nila para ma-explore namin ang Canada eh. Kahit doon lang banda sa Ontario. Nagroad trip din kami then stopover pag nagutom.
Sobrang enjoy talaga. Adventure pa dahil pare-pareho kayong walang alam sa place at parang turistang magtatanong nung directions, hahaha.
What I like most ay yung pagpi-fishing namin. Matagal na din kasi naming hindi nagagawa iyon. Bata pa yata ako nun. Ang saya! Nakakatuwa kayang mamingwit ng isda. Binabayaran pa pala talaga dun yung mga bait na worms at by kilo pa yata. Sabagay, hindi ko din naman alam kung paano at saan kami maghahanap ng bait kung sakali, hahaha. Lahat ng ginamit namin sa fishing eh ni-rent lang din. Meron naman kasing store na kumpleto at doon mismo sa lugar kung saan kami nagfishing.
Nalungkot nga ako nung bumalik na sina Kuya sa US. Hays. But there are many things to settle pa kasi sabi ni Mama. She called our relatives from the Philippines at sobrang saya nila lalong lalo sina Kuya J at Kuya K kasi daw uuwi ako at doon na mag-aaral.
Woo! If I know, namimiss lang nilang i-bully ako. Hmp.
Then yung ginawa ni Mama kasi ayaw niya akong paunahin na umuwi sa Pilipinas— kasi dapat daw talaga sabay kami— inutusan niya ang mga pinsan ko na mag-inquire sa UPD. Iyon lang din naman kasi ang school na kinuhaan ko nang entrance exam bukod sa approved din ni Mama. Sila na din pinagprocess ni Mama ng enrolment ko and the likes.
Kaso bago yun, kailangan ng medical exam. Napakiusapan naman ang admin ng school na dito na ako sa Canada magpapamedical at ipapadala na lang yung results. Pero nakakailang pala ang medical exam? Grabe, I'm feeling harassed and molested na hindi ko ma-explain. Sobrang nanginginig ako na nanlalaki ang mga mata ko bawat tanong especially bago nung physical exam!
I was seated on the chair in front nung banyagang duktor at kaharap naman ng chair ko si Mama nung interviewhin niya ako. Katatapos ko lang magpasa ng urine at fecal specimen ko nun. Which was, ugh! I was close to puke myself, too upon extracting the stool.
"When was your last menstrual cycle? Do you have a regular or irregular cycle?" nakangiting tanong ng duktor sakin.
Halata namang mabait pero ewan ko bakit naiilang lang ako at medyo kinakabahan ako sa kanya. Kasi baka bigla silang may madiscover na sakit ko sa klase ng pag-eexamine nila eh. Sobrang anxious ko talaga ng mga panahong iyon.
Kabado pa ri ako nang sumagot sa tanong nito. "Last week and I think I'm regular. I have 30 days cycle period."
Tumango naman ito. "Good. Don't be nervous okay? These are just routine questions. So… are you sexually active or not?"
Yung nanlaki talaga ang mata ko sa tanong niya. I mean, seriously, BAKIT PO GANYAN ANG MGA TANONG NIYO?!
Nagulat talaga ako kaya pagkatapos kong sagutin ang doctor na, 'I am not sexually active' at kulang na lang ay sabihin kong 'In fact, I don't have any experience sexually' ay naiilang na napatingin ako kay Mama at bumulong dito.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...