~53~Hindi ako ganoon kakampante sa napagdesisyunan kong pagsali sa Engineering Week, pero bahala na. What's done is done and there's no turning back now. Besides, I have to make up for my grades and it's the only way I can think of to salvage it. For now.
"Wala ka na bang ibang class?"
Napailing ako sa tanong ni Mason at kasabay niyon ang marahang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.
I discreetly bit my lower lip to hide my amusement dahil gusto ko din sanang sabihin dito na 'akala ko ba memoryado mo ang schedule ko' pero minabuti kong huwag nang banggitin.
I glanced at our hands comfortably intertwined together. Feeling that familiar warmth, that sense of ease and the inexplicable comfort it brings whenever his hand holds mine.
I unknowingly smiled.
Inaya ako nitong pumunta ng Trinoma na siya namang agad na sinang-ayunan ko. I secretly told myself I could use some distraction. Ngunit bago pa man kami makarating sa sakayan ng mga jeep ay—
"Mase!"
Hindi ko masyadong pinahalata ang pagkagulat sa biglang pagsulpot ni Nile. Tinapunan ko ito ng kaswal na tingin nang malingunan.
"Ah, Louie... ano... Condol—"
"Bibili lang ako ng tubig ah," tiim bagang bumaling ako kay Mason, pigil na pigil ang sariling lingunin ang kaibigan nito ng nagbabagang tingin. Marahan din akong bumitiw sa magkahawak naming mga kamay at mabilis na naglakad palayo nang hindi nililingon ang kaibigan nito.
Binagalan ko ang paglalakad nang bahagyang makalayo sa dalawa. Walang pagmamadali kong tinalunton ang pinakamalapit na stall ng tindahan at bumili ng malamig na tubig. Doon ko na din inubos ang inumin at hinayaang pakalmahin ang sarili.
I couldn't help clenching my fists.
Calm down, Louie. Hindi pwedeng lagi kang magpapaapekto sa sasabihin ng iba. You can't let yourself be triggered easily like that.
Napapikit na lang ako kasabay ng malalim na buntong-hininga.
Biglang naramdaman ko ang mabining pagdapya ng hangin sa balat at wala sa sariling napatingin ako sa mga langit. The weather was unusually nice for an early afternoon. It wasn't too hot and the wind was playing gracefully with the leaves as it fell from the Acacia trees until one fell on my left shoulder.
"Ma.." I unconsciously whispered after taking the leaf. I bitterly smiled when her smiling face crossed my mind and clenched my hand tightly leaving the shattered pieces on the ground.
Tinahak ko ang daan pabalik kina Mason bago pa kung saan dalhin ng hangin ang tumatakbo sa utak ko. Habang papalapit sa dalawang lalaki, hindi ko maiwasang hindi magtaka sa tila seryosong pag-uusap ng mga ito. Hindi ko din tuloy alam kung lalapit ba ako o hahayaan muna silang mag-usap na dalawa. Bago ko pa man mapagdesisyunan ang pagtalikod ay umabot sa pandinig ko ang huling pahayag ni Nile.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...