Cincuenta y cinco

11.6K 466 715
                                    

~MA55~

"Bunso, nagtatanong sila Lola kung makakauwi ka daw mamayang gabi? Magluluto yata si Lolo ng paborito mo." Bungad ni Kuya J nang balikan ko ito ng tawag habang nasa taxi ako.

Hindi ako agad nakakibo.

I know my family means well pero alam ko sa sarili ko na kapag nasa hapag na kami at nagsimulang magsalu-salo, magiging emotional lang ako. Iniiwasan ko masyadong umuwi because staying there just gives me so much emotions. Kahit saang sulok ako ng bahay, may magpapaalala talaga sa'kin kay Mama.

And I can't deny that I am still hurting.

Hindi pa'ko resilient enough para magpanggap sa harap nila na okay na'ko. And I know I am very transparent. Kahit hindi ko pa sabihin, alam kong alam nila ang nararamdaman ko. At alam ko ding dadamayan nila ako. Pero mas nasasaktan lang kasi ako sa tuwing nakikita ko na tila gusto na nila akong magmove on. Na kahit sila Lolo at Lola tinatanggap na nilang hindi na babalik ang anak nila?

Ang sakit-sakit lang. Kasi hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang tanggapin 'yon. Hindi ko pa din kayang paniwalaan 'yon. Ayoko pa ding maniwala.

Kaya ako na lang muna ang didistansya. For my own sake.

And this is my choice.

"Hindi ko po alam eh," I finally answered after trying to clear my throat so my voice won't break. "Madami kasi akong kailangang i-catch up sa school." It was half true.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Well sige, it's fine. Sabihan ko na lang sila."

"Salamat Kuya."

"Pero kung... may libre kang oras, sabihan mo naman kami para makapagbonding din tayo kahit papaano. Tsaka kapag may kailangan ka, i-text o tawagan mo lang kami ni K," dagdag pa nito.

I understand kung bakit ganito ako kausapin ni Kuya J. Even Kuya K. Parang gusto nilang pahabain ang usapan. It's because I don't talk to them like I used to. And we barely see each other. Kung uuwi man ako sa bahay, iyon ay kung may kailangan lang akong kunin. Madalas, hindi din nila nalalaman na umuwi ako unless nasa bahay din sila 'non kasi hindi naman ako nagsasabi.

"Ano, actually Kuya... meron sana."

"Ano ba 'yon?" Interesadong tanong nito.

"Pwede po bang magpabili ng dessert? Para sana mamayang lunch time."

"Oo naman. Ano'ng gusto mo?"

"Kahit yung mango bravo na lang. Pero siguro mga apat na box? Kung okay lang sana. May nagpabili kasi sa'kin. Bayaran na lang kita mamaya—"

"Ako na ang bahala." Putol nito sa'kin.

"Salamat Kuya."

Nagpaalam na din ako pagkatapos sabihing magkita na lang kami sa cafeteria mamaya. Kasi dahil bukod sa wala na din akong iba pang masabi, medyo may kalapitan na din ako sa campus.

Nagpapasalamat din akong hindi na ito masyadong nagtanong pa kung para saan ba 'yong hiningi ko. At kung bakit ang dami. Hindi niya naman yata naisip na baka lulunurin ko ang sarili ko ng mango bravo.

*****
CAFETERIA

"Sayang yung bulaklak kanina. Pang design sana ng mesa," narinig kong saad ni Mason habang nilalapag nito ang mga dala sa mesa.

Bahagya akong napatakip ng mukha. Ewan ko bakit parang gusto kong matawa sa narinig. It was so obvious he was referring to Dale, but I still asked anyway just to be sure. "Saang bulaklak?"

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon