Veintitres

25.5K 613 193
                                    

~23~ 

 

"Are you okay?"

Bahagyang napaatras ako nang maulingan ang tanong ng chinitang babae. "H-Ha?"

Parang ang tagal kong nakamaang lang dito at nagising lang ako nang hawakan nito ang isang kamay ko. Pero sandali lamang iyon dahil agad ko ding hinila ang kamay mula dito.

Nailang ako sa presensya niya.

I don't know why it felt like she's invading my personal space way too much by that gesture. Hindi lang siguro ako sanay.

And it’s not that she has this strong presence that’s enough to intimidate me. No. Kahit pa sobrang sopistikada niyang manamit. Hell, I have mingled with their kinds sa modelling. But I can’t point out what’s with her— ah yeah. Hindi pala ano kundi sino. Yung pangalang nabanggit niyang kausap niya yata.

Pero bakit nga ba ako nawala bigla sa kasalukuyan dahil lang doon? Dahil din ba sa hindi sinasadyang narinig kong pag-uusap nila?

What is it in me anyway? It’s none of my fucking business to—

Napailing ako sa naisip bago pinilit ang ngumiti sa babae. Mga naiisip ko, tss. "I'm fine. I'm sorry for—"

"No need to," putol nito sakin. She spoke so confident yet doesn’t sound bratty at all. Mukhang mabait ito. "As I've said..."

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil lumampas na ang paningin nito sakin. Kapansin pansin ang biglang paglapad ng ngiti nito sa labi at muling pagkawala ng mga mata niya dahil doon. Nakakaaliw tingnan ang pag-aliwalas ng mukha niya. Hindi ko tuloy napigilan ang lingunin din ang taong—

"Mase—" mahinang sambit ko bago ko nakita ang mabilis na pagkapit ng babae sa leeg ni Mason at binigyan ito ng halik sa pisngi. Lihim akong napasinghap.

 

What. The. Hell. Ambilis naman niyang tumakbo?

I really can’t remember if she excused herself or she said ‘wait’ dahil parang nabingi na ako sa nangyayari.

Nakaka-culture shock ang babaeng ‘to ah, hindi ko maiwasang isipin iyon habang nag-uusap na silang dalawa.

I was trying hard not to overhear a word pero bakit parang biglang sumikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga?

Oh please. Some air in here, pleaaaase!

Hindi ko napansing napahigpit na lang ang hawak ko sa handle ng paper bag na siyang naglalaman ng hiniram kong t-shirt ni Mason. Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ko nakuha sa bag ang paper bag na iyon.

Kanina pa ako naghihinalang iisang tao lang ang kausap ng babaeng chinita at ang Mase na kilala ko pero bakit ang sak— uuuh. Nagulat... Bakit nagulat pa rin ako nang makita ko siya?

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon