Veintisiete

23K 601 98
                                    

~27~

 Friday

7:00PM

"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita," nagbabantang saad ko sa babaeng nagpakilalang girlfriend daw ni Hiro habang mahigpit kong hawak ang isang braso nito.

I saw her roll her eyes, obviously in irritation, kaya mas lalong hinigpitan ko ang pagkakahawak dito. Kanina pa mabigat ang dugo ko sa babaeng 'to eh, inuubos talaga ang pasensya ko. She's in all caps BRATINELLA. Goodness. Kung gaano kaganda ng mukha nito ay siya namang singsama ng ugali. I mean, I don't know her long enough to say that pero the fact na hindi niya pa naman ako kilala ay muntik na niyang hilain ang buhok ko kanina plus how she's been calling me a bitch the whole time ay sapat na para sabihing walang manners ang babaeng 'to.

Paano ba 'to pinalaki ng mga magulang niya? Hays, sorry. Bigyan ko na lang ng benefit of the doubt ang parents niya. Baka naman hindi lang din siya marunong sumunod sa mga pangaral sa kanya, tss.

"Ano ba, get off your hands on me!" malakas na sigaw nito habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak ko.

That was just the fifth tagalog word that she uttered simula nang mag-usap kami. Oo binilang ko, Math wizard ako eh, bakit ba. The first one was when I taunted her that I was Hiro's girlfriend and she freaked out 'Hindi totoo yan!'. She was REALLY speaking in English with a British accent the WHOLE TIME. Hindi ko alam kung ano'ng gusto niyang ipamukha sakin eh.

"Listen to me, you brat."

Nanlaki ang mga mata nito at akmang magsasalita na naman kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko dito. Nagkasya na lang ito sa impit na ungol.

"You are so gonna pay for this," halos mangiyak-ngiyak na saad nito.

"There are a lot of things that money can't buy and beauty can't bribe. Have you thought about polishing your character? Maybe you should start with that. Because you know, how you interact with people reflects how you were raised by your parents. At sa totoo lang, kanina ko pa iniisip na sobrang kawawa nila dahil nagkaroon sila ng anak na katulad mo. Hindi ko sinasabing maging mabait ka, that's too much to ask plus it doesn't suit you either. Pero sana lang, i-lugar mo kung kailan ka magiging maldita sa mga tao sa paligid mo."

Umawang ang bibig nito sa sinabi ko kaya hinayaan ko lang siyang magmoment sakaling nagba-buffer pa ang ibang info sa makitid nitong utak. Binitawan ko ang kamay niya saka akmang tatalikod na dito.

"Wait," she said, almost a whisper.

"Kung gusto mong maagaw sakin ang atensyon ni Hiro, take my advice. Besides, kababae mong tao. Hindi maganda tingnan sa isang magandang babaeng kagaya mo ang naghahabol sa lalaki. At sa totoo lang, hindi ang mga tipo mo ang binibigyang pansin ni Hiro," saad ko at tuluyan nang tinalikuran ito.

Ako na ang feelingerang kilala talaga ang mga tipo ni Hiro. Pero nakakainis na kasi talaga eh.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon