Treinta y otso

19.9K 544 142
                                    

~38~

November

Saturday

"Louie?"

"Ma, pasok. Bukas 'yan," may kalakasang sagot ko dito. Ni hindi ko magawang iangat ang tingin ko mula sa binabasang libro.

"Bakit hindi nakasara ang pinto mo?" himig-pagtatakang tanong nito na sinagot ko ng pagkibit-balikat. Narinig ko agad ang pagtikhim nito sa tinuran ko.

Alam ko na ibig sabihin 'non. It's a warning. Tss.

"Tinamad na po akong balikan kanina. Hindi ko pala nasara ng maayos nang pumasok ako," sagot ko sa tanong nito nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa binabasa.

Hindi kasi ako sanay na hindi tinatapos ang buong chapter bago tigilan. Kahit nga pag-ihi pinipigilan ko pa matapos lang muna ang chapter.

Oo na, ako na OC-OC.

"Parang ayaw mo talagang magpaistorbo ah. May lakad ka ba ngayon 'nak?"

"Meron Ma. Mamayang 4PM. Inaya ako ni Sebastian. Baka sa labas na kami magdinner ha?"

"Aayain pa sana kitang kumain sa labas ngayon. Matagal na din tayong hindi nakakapagbonding," narinig kong saad nito. "Pero sige lang, kayo na muna ng kaibigan mo. Kayong dalawa lang ba?"

I shrugged. "Sabi niya. Pero balak kong ayain si Charlie."

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama kaya napaangat na ako ng tingin mula sa binabasa. Doon ko napansing umupo na pala si Mama sa bandang paanan ko. Tamang-tama lang din na natapos ko na ang chapter kaya nilagay ko na ang bookmark bago inayos ang pagkakasandal sa headboard ng kama.

"Mukhang napapadalas na ang pagkikita niyo ni Sebastian ah."

Ngumisi ako. "Baka bumabawi. Ilang buwan din kasi akong pinagtaguan 'non."

Tumango-tango naman ito. "Tinanong mo ba kay Sebastian kung okay lang sa kanya na nadoon si Charlie?"

Napakunot-noo ako sa sinabi nito. "Bakit pa, Ma? We're best friends. Of course okay lang kay Chang 'yon."

Matagal itong hindi nakakibo.

"Baby, wala pa bang sinasabi sayo iyang best friend mo?"

"Ha? Sino sa kanila?"

"Si Sebastian."

Sasabihing ano? "Ma, hindi ko gets."

"Ewan ko sayo Louie," parang amused na saad nito at tumayo sa pagkakaupo sa kama. "Tigilan mo na nga muna ang pagbabasa at gumayak ka na. It's already 2."

"Ang aga pa Ma. Maliligo ako ng 3PM. Susunduin naman ako 'non."

"Bahala ka na nga. Siya nga pala, nak. Tumawag sa landline kanina si Mason. Magkaklase ba kayo sa ibang subjects ng batang iyon?"

"MA! Bakit hindi mo ako tinawag?" nakadilat na saad ko dito. Ni hindi ko napansing hindi ko nasagot ang tanong nito. "Bakit daw?"

Hindi naitago ng ekspresyon ni Mama ang pagtaka dahil sa inasal ko. "Akala ko natulog ka. Hindi ba't iyon ang sinabi mo kanina pagkatapos nating magtanghalian? Tinanong ko pero wala naman siyang sinabi. Nagpaalam din agad nang sabihin kong tulog ka."

Bahagya akong nakaramdam ng pagkadismaya. May isang buwan na din kaming hindi nagki-

Eh ano naman. Parang may responsibilidad ang tao sayo ah.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon