~17~
"Ma, sorry na. Hindi na mauulit."
Kanina pa ako sorry ng sorry pero ang dami niya pa ring litanya. Ibayong pagpipigil tuloy ang ginagawa ko huwag lang masagot siya o kaya ang magwalk-out. Argh.
Alam ko naman ang pagkakamali ko kaya nga humihingi ako ng pasensya. Pero wag namang ganitong pati yung mga kasalanan ko noong bata ako nauungkat. Pati iyong kay Zeke na ilang buwan na din ang nakakalipas binabalik pa niya.
Nakakainis. Paulit-ulit na lang.
Napunta pa nga sa kasalukuyang course ko eh. Sinabihan pa niya ako kung baka ayaw ko daw sa kurso ko o baka napilitan lang akong kunin yung ECE dahil wala akong choice. Dahil iyon yung course na pinili ng mga pinsan ko nung nag-UPCAT ako at mas gusto ko daw talagang magduktor. Sabihin ko na daw ngayon pa lang.
Ang gulo niyang kausap. Yung flight of ideas ni Mama, ‘di ko na minsan masundan.
Gusto ko naman ang ECE eh. I mean, wala pa kaming engineering subjects talaga pero I think I'm liking it naman.
Fine, I said it to myself na gusto kong maging magaling na engineer dahil kay Papa, but I sometimes feel it in myself too. Na parang hati ang nararamdaman ko. Maybe I like to be both. Being a doctor and engineer. Pero sa ngayon, masyado pang maaga para magconclude because I'm still finding my way.
At sana di ba, hayaan muna nila ako sa parteng iyon? Hays.
"Hindi na talaga mauulit dahil hindi ka na babalik sa Divisoria," pinal na saad ni Mama sakin.
Hindi ako nakaimik. Sabi na nga ba, hays.
"Paano kung may armas ang mandurukot na iyon? Paano kung tinutukan ka ng patalim? Ng baril? Hindi ka talaga nag-iisip minsan Louie. Masyado kang padalos-dalos," pangangaral pa nito sakin na tila nanginginig pa.
"Ma… K-Kaya ko naman ang—"
"Alam kong kaya mo ang sarili mo! Nakikita ko,” putol nito sakin na taas-baba na ang dibdib.
Natatakot na tuloy ako baka ano’ng mangyari bigla sa kanya.
“Pero hindi mo mawawala sakin ang mag-alala dahil ina ako, Louie Antoinette! Ina ako!"
Napaatras na lang ako sa pagtaas ng boses nito.
Hindi ko na alam kung paano ko siya mapapakalma. Parang hindi maubos-ubos ang hinaing niya. Magdadalawang oras na yata kami dito sa kwarto niya. Ibig sabihin, magdadalawang oras na din akong nakatayo sa harap niya habang pabalik-balik siya ng paglalakad sa harap ko at patuloy na pinapangaralan ako.
Hindi ba siya nahihilo? Tss.
Maya-maya ay nakita ko siyang napaupo sa sofa habang hawak ng isang kamay ang mukha.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...