~21~
Halos hindi na yata humihinga ang lahat dahil sa sinabi ko. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa antisipasyon habang hinihintay ang sagot ni Mason— na noo'y napatanga na lang sakin— ay pasimple kong inilibot ang tingin sa paligid. Napansin kong katulad ko, tila naghihintay din ang lahat nang sagot nito.Ayaw mo ba? Sabihin mong, oo. impit na usal ko sa utak habang mataman pa ring nakatitig sa mga mata niya. Bahagyang umiwas ako ng tingin at bumaling kina Hiro at Charlie.
Mas kaya ko pa yatang makipagtitigan ng matagal sa pilyong mukha ng kapatid ko at sa naguguluhang mukha ni Charlie, kaysa ang bigyan ng lisensya ang nanunuot na titig ni Mase na tila binabasa na yata pati kaluluwa ko.
This is freakin’ awkward.
Kagat-kagat ko na ang loob ng ibabang labi at napayuko nang pagkalipas ng mahabang sandali ay nanatiling tahimik pa rin ito.
"Sige..."
Paanas lamang ang pagkakasabi ni Mason ng katagang iyon pero halos ikabingi ko.
Sige daw. So… Pumayag siya!
Nabitin sa ere ang ang akma kong pagngiti nang inangat ni Mase ang kanang kamay niya na tila balak abutin ang kaliwang kamay ko. Bigla akong napalunok habang nakayuko pa rin. Kung tutuusin, alam ko nang lalapat ang kamay nito, pero ikinapiksi ko pa rin ang saglit na pagdaiti ng dulong daliri niya sa balat ko. Ramdam ko ang bolta-boltaheng kuryenteng biglang gumapang sa katawan ko. Ngunit hindi pa man tuluyang nahawakan ni Mase ang braso ko ay—
"Saan tayo magse-celebrate?!" malakas na saad ni Charlie na bumasag sa katahimikan kaya biglang napaatras ako kay Mase dala ng pagkakagulat.
Nakalimutan kong hindi lang kaming dalawa ang kasalukuyang tao sa paligid!
Shit. Ano na lang ang iisipin nina Charlie at Hiro! Baka mukha na akong ewan kanina, ugh.
"Uhm..." napakamot ako ng ulo dahil sa pagkalito at… hiya.
"Huwag mo nang sagutin yan Siobe. Magbihis kaya muna kayo? Sobrang pawis mo na," sabat naman ni Hiro habang turo ang basang t-shirt ko.
Geez, onga pala. "Wala akong extrang shirt eh," sagot ko dito.
Katawan at kaluluwa ko lang talaga ang dala ko kanina di ba? Bukod sa cellphone sa bulsa at yung bola ng basketball na binili ko sa mall. So apparently, wala talaga akong pamalit.
"May extrang t-shirt ako."
Napatingin ako kay Mase at agad na umiling dito. "It's not really that nece—"
"Ayun naman pala eh!" putol na naman ng magaling kong kapatid at hinawakan kami sa magkabilang balikat saka mahinang tinulak palayo. "Sige Kuya. Pahiramin mo muna ng t-shirt si Ate, baka matuyuan ng pawis eh. Alam mo na."
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...