~34~
Nakaalis na ang sekretarya ni Mama at si Lola habang nakasunod din dito ang sariling sekretarya para igiya si Lola sa loob ng theater ngunit kami ni Mason ay nanatili pa rin sa lobby.
Kapwa nakatayo. Parang walang gustong unang basagin ang katahimikan.
Hindi ko alam kung paano ko uulitin ang tanong para mas masigurong...
Hays. Nahiya na ako.
Did Lark come from my initials, Mase?
Whew. Nakakahiya na talaga. Dapat kasi talaga pinatapos niya ako eh.
"Uhm... Nagugutom ka na ba? Gusto mong... Kumain muna tayo ng something dyan sa buffet table?" I finally said, trying to break the deafening silence dahil feeling ko, hindi na naman kami makakapag-usap nito ng kumportable pag ganitong...
"Ikaw. Okay lang."
"Teka ha? Dun ka lang muna sa isang table," sabi ko sabay turo sa bakanteng lamesa. "Ako na ang kukuha ng food natin," saad ko ditong may alanganing ngiti. Hindi ko na din hinintay pa ang sagot nito at agad na umalis sa tabi niya.
Hindi sa gusto ko siyang iwasan, pero... bahagyang naiilang lang kasi ako.
Shit, paano na 'to mamaya?
My hands are still cold and clammy as I approached the buffet table. Hindi ko alam kung dala na din 'to ng gutom, ng damit o ano pa man eh, tsk.
Parang wala na ako sa sarili ko habang iniisip si— ang sinabi ni Mase pero hindi ko talaga inaasahang mas may ikakatuliro pa pala ng utak na mangyayari sakin ng gabing iyon. Pano, bago ko pa narating ang naturang mesa, I literally felt my world stop nang makita ko ang isang pamilyar na pigura na nakatayo pa-side view sakin.
His towering height, broad shoulders, chiseled cheek... Like I have to seriously pause to stop myself from... ugh.
He was wearing a black tuxedo and slacks. May kausap itong naka-formal suit din. Marahil ay kapwa negosyante. He looked like he was really having some serious talk with the person. Kahit may maya't mayang dumadaan sa harap ko, interrupting the connection that I am currently developing towards him, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin maalis-alis ang paningin ko dito! Nakikita ko pa kung paano nito inisang lagok ang laman ng hawak na kopita at ipatong iyon sa dumaan na waiter, of how he then immediately put his left hand on his pocket after doing that.
It was his same old habit every time he—
Like what the hell?!
This feeling. It was still the same feeling that I have whenever I hear anybody mention his name... whenever I smell the same perfume he wore... or as simple as passing by a place we always been.
It was nostalgia. No doubt it is.
Halos maiyak na ako sa sariling reyalisasyon.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...