Cinco

46.9K 665 175
                                    

~5~

"Boooooooring!"

Ako na talaga eskandalosa.

Who cares? Nasa loob naman ako ng bahay namin. Tsaka totoo naman ah, it's boring here. Ako lang kasi mag-isa dito. Mom's at work and she'll be home by six in the evening. At ala una pa lang ng hapon. She has a 9am to 6pm shift and sometimes, nag-oovertime pa.

You might be wondering kung ano ba talaga trabaho ng Mama ko dito sa Ontario.

Ang alam ko kasi, CPA si Mama. She's a graduate of Accountancy in UP Diliman and same year after graduation, she took the boards and passed. Apparently, related din naman sa course niya ang work niya dito. She's currently a Vice President of a multi-billion Accounting Firm dito sa Ontario. 10 years na din naman daw siya sa work niya. Prior to that, she was just an accounting staff for three years sa isang oil company then transferred sa kasalukuyang work niya ngayon.

After hearing her stories kung paano ito lumipat sa firm, I suspected na pinirata si Mama hahaha.

Well, obviously, Mom's an asset. Sino ba namang kumpanya ang hindi gugustuhing magkaroon ng empleyadong henyo sa numero?

Mom's a topnotch herself sa CPA boards. She ranked 7th. Kaya madaming malalaking kumpanya din sa Pilipinas ang gustong kunin siya even before she took the boards. Her career was very promising but her downfall was when she fell for my father, who wanted her to be a fulltime wife then. Kaso ayun nga, nagising ulit ang nanay ko mula sa mahimbing na pagpapakatanga sa pag-ibig, de joke lang wag na nating pag-usapan kung paano ulit sila naghiwalay. Let bygones be bygones, ika nga.

Going back, nakuha ni Mama ang kasalukuyang posisyon 5 years ago. Ayon dito, nagsimula lang din siya bilang Operations Manager bago naging Vice President. I don’t want to dwell further on that.

I therefore conclude, that explains why it's easy for me to deal with numbers. Mom's an Accountant and my father's an Engineer by profession.

Not a bad combination of genes for their offspring benefits, hahaha.

Balikan natin ang boredom ko ngayon. Kung anu-ano na yata pumapasok sa utak ko. Teka.

It's been a week since I got here in Ontario at kahapon pa ako nabobore. Mama advised na lumabas labas din daw ako at makipagkaibigan. Or pumunta sa park dahil walking distance lang naman. But hell, hindi ko magawa. Kasi tinatamad ako.

Dati pa naman kasi akong anti-social or simply put na hindi ko din naman talaga ugali ang unang mamansin kaya ba't pa ako gagala? So instead, itinuon ko na lamang ang pansin sa pagbabasa ng collections ng mga libro ni Mama sa kanyang book shelves.

It's fun and fascinating kasi yung mga isyu niya ng mga Reader's Digest eh halatang ilang taon na ang nakalilipas. Just by judging sa cover ng magazine ay alam mo nang papasang vintage yun.

"Classic Articles," malakas kong sambit.

I smelled it out of habit saka iniscan ang mga pahina. Unang article pa lang ay nakuha na nito ang pansin ko kaya saglit ko iyong iniwan sa lamesa bago kumuha ng makakain sa cupboard.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon