Cincuenta

10K 409 180
                                    

~50~
December 23rd, 10AM

"Hi bespren!" masiglang salubong ni Charlie sakin sa lobby ng condo. Nauna ito ng ilang minuto sa usapan.

"Hey," balik-bati ko naman. "Nagcommute ka lang?"

Nakangiti pa din itong tumango.

I smiled back. "Teka, ipagpapaalam ko lang si Lark. Pakibantay muna."

Bahagya itong nagulat nang makita ang asong sumusunod sa likod ko. Binuhat ko iyon at inabot dito.

"Hello Lark! Ganda ng porma natin ah. Hindi tuloy kita nakilala agad," natatawang pakli nito na ikinatawa ko na din. Naka-polo kasi si Lark.

"Pinagdiskitahan ni Lola. Tinahi niya yang damit," kwento ko.

"Ang ganda bespren. Galing naman ni Lola mo!" namamanghang sabi nito bago binalingan si Lark. "Hindi ko alam na kina bespren ka pala ngayon ha? Nag-enjoy ka dun 'no? Siguradong madami ang nakain mo kasi kahit ako din eh, hahaha! At kita mo, mukhang bumigat ka," sabi pa nitong tinatantiya ang timbang ng aso.

Tumahol naman ang beagle dito na tila ba naiintindihan ang sinabi ni Charlie. Marahan ko naman itong binatukan. "Sira."

Nang makapagpaalam na hindi naman for overnight si Lark ay umakyat na kami sa unit. Pinasya kong dalhin na ang beagle para maiuwi na din ni Charlie sa araw na iyon. Bahagyang may katagalan na ito sa amin at ayoko namang masyadong ma-attach ang mga tao sa bahay kay Lark. And for sure, nami-miss na din ito ng amo.

Eh ikaw? You didn't miss him? Lihim na saad ng isang bahagi ng utak ko, as if mocking.

Shut up. Magkikita na kami mamaya. Hehe.

Hindi ako excited ah. Ano lang talaga, maganda ang gising ko kanina lalo't nakaalis na sila Kuya nung magbreakfast ako kaya walang nang-asar sakin. Oo tama, maganda lang talaga ang gising ko kahit hindi ganoon kahaba ang tulog ko. Tsaka anp, medyo madami lang din akong iniisip kagabi tungkol sa mangyayari sa, sa ano, sa gagawin namin ni Charlie ngayon. Para lang pulido syempre.

Oo, ganoon yon.

At masaya din ako kasi hinatid ako ni Tatay at hindi traffic kanina papunta sa condo. Basta there's so much to be happy about today, that's just it.

Especially mamaya...

Ugh, self umayos ka naman. Kung anu-ano na naman iniisip mo diyan.

"Bespren, bakit bigla kang napangiti?"

Mabilis kong sineryoso ang ekspresyon. "Wala, may... naalala lang akong joke. Dami mong napapansin."

"Ano'ng joke yan? Ikwento mo nga! Sobrang nakakatawa siguro niyan, hehehe." Excited na tanong nito.

Umiwas ako ng tingin. "Nakalimutan ko na. Magconcentrate ka na lang kay Lark, baka na-mimiss ka na niyan."

Napalatak ito. "Ang labo mo talagang kausap minsan. Ano nga pala ang gagawin natin ngayon?"

"Ahh. Tulungan mo akong magbake ng cookies, bespren." Nakangiti kong saad dito.

"Wow! Gusto ko yan! Penge ako pag-uwi ha? Tsaka damihan natin ng gawa, hehehe!"

Nakatikim ito ulit ng batok sakin. "Hindi pa nga nagbe-bake, yung maiuuwi mo na agad ang iniisip mo."

"Joke lang 'to naman!"

***
I know, I truly suck at cooking.

Kaya okay na ako sa baking na medyo may pre-mixed kasi at least dito, calculated ko ang measurements. I know I am in control. Mabuti din na andiyan si Charlie. May taga-tikim ako at siguradong sakali mang may aberya, matutulungan niya ako dahil marunong siyang magluto. Kahit na, I'm not sure sa baking.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon