~2~
Two months earlier
Around 2 in the afternoon…
"San tayo pupunta Ma?" nagtatakang tanong ko kay Mama habang daan.
We're practically heading south expressway at nasa Cavite na daw kami sabi nila Kuya. Pagkatapos naming mananghalian kanina ay nag-aya si Mama na may pupuntahan daw tos ano'ng petsa na? Bakit ang tagal ng byahe? Hindi naman siguro 'to outing di ba?
I know she's acting weird pero hindi naman ganun ka-badvibes ang nararamdaman ko. Ano lang, medyo weird lang talaga na ewan. I mean, she's not telling me kasi kaya medyo kabanas.
Nakakainis kaya ang surprises, tss.
"You'll know soon, anak. Malapit na tayo," nakangiting saad nito sakin.
I don't know. The day after tomorrow, we're flying to Canada na kaya bakit pa namin kailangang pumunta sa...
Well, hindi ko din naman pala alam kung saan aside from we're heading south, gosh.
We're using Kuya J's car where he's the one driving din. Nasa passenger seat naman si Kuya K at kami ni Mama sa backseat. Naiwan sila ni Tita and my grandparents dahil may munting salo-salo daw sa bahay mamaya. Family dinner lang naman pero bakit kailangan pang paghandaan?
It's getting weirder and weirder and I'm not liking it already.
"Nagtext ako sayo noong Lunes ah. Ah no. I actually called. Ba't di mo sinasagot? Where were you?" narinig kong saad ni Kuya J while making eye contact with me through the mirror.
Kunot-noong tinignan ko ito. "Sa bahay lang naman ako, so bakit ka pa tatawag? Besides I already kept my phone sa travelling bag. Noong Sunday pa nakaayos ang gamit ko kaya malamang hindi ko na masasagot. I'm not expecting any calls. Bago kaya number ko," mahabang paliwanag ko dito at tumango na lamang si Kuya bilang tugon.
"Alam mo ikaw, di ka na dapat nagse-cellphone eh. Wala namang kwenta," pakli naman ni Kuya K.
Nginisihan ko lang to. "Jealous that I have a new phone while you're currently grounded for misplacing it?"
"Shut up," asik nito sakin.
Agad naman kaming sinaway ni Mama. "Kayo talaga, malalaki na kayo para mag-asaran ah," iling-iling na saad nito.
"I'm the youngest here Ma, pero they're acting like..."
Hindi ko na natuloy nang sabay akong lingunin ng dalawa kong pinsan.
"Like?" sabik na hintay ni Mama.
"Nevermind. Malapit na ba Ma? I'm starving you know. Saan na ba ' to?" saad ko at ibinaling sa labas ng bintana ang tingin.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...