~46~
Parang hindi ko kayang titigan si Mason.
Sa lakas ba naman ng pagkabog ng dibdib mo. Halos hindi lang yata ang puso ko ang nagwawala kundi maging ang mga laman loob sa katawan ko. OA pakinggan pero hindi ko na alam kung ano ang tamang salita para maisalarawan 'to. Kulang din ang salitang awkward. Ugh. Normal pa ba 'to?!
Kaya ayun. Tuluyan na lang napako ang mga mata ko sa kamay kong mahigpit niya pa ding hawak. Na hindi ko alam kung bukod pa doon, may mensahe pa ba siyang gustong ipaabot dahil sa mga titig niya.
O ako lang iyon.
OO NA. Gusto kong magkahawak kami, gusto ko 'to ngayon, pero at the same time... nahihiya ako. Nakaka-awkward talaga. Tsaka teka nga, naiinis pa ako sa sapio girl na yan 'di ba?!
Ohmygod, shiiit!
Halos mapaigtad ako sa gulat nang makarinig ng malakas na busina ng sasakyan. It literally scared the hell out of me!
Kuya J was riding his two-seater sports car with no one, but Mason's elder sibling Mark. Kapwa nakakaloko ang ngising naglalaro sa mga mukha ng dalawa. Kitang-kita iyon dahil naka-topdown ang sasakyan.
Kaya nanlaki talaga ang mga mata ko at sobrang napalakas din yata ang naging paghila ko bigla ng kamay. Hindi na din ako mabibigla kung naputol ko ang braso ni Mase dahil dun.
"Too late, Louie. Kanina pa namin nakita yang... mukhang lover's quarrel niyo..." mas lumapad pa ang ngisi nito. "Kaya pala hindi sumasagot ng tawag, pre-occupied ang kamay. I fully understand, don't worry," tumango-tango pa ang pinsan ko.
"Approve 'Toy! You're learning!" komento naman ni Mark at mukhang nakatikim ito kay Kuya sa sinabi.
"Ano na? Matagal pa ba kayo diyan? Magse-set-up na lang muna kami ng lamesa dito," baling sakin ni Kuya J.
Kahit kailan talaga, wala yata silang pakialam kung napapahiya na ako. I can hardly look at their faces due to embarrassment! Gayunpaman, patay-malisya akong napatingin kay Mason dahil hindi ko din alam ang gagawin.
"A-Ano...gusto mo bang iuwi si Lark?" tanong naman nito.
Sa pagkataranta, hindi na ako nag-isip at mabilis ding binuhat ang aso. "Sige, akin na. Ano na ang kinakain nito?"
"Pwede na ang kanin sa kanya. Ihalo na lang sa dogfood."
"Ah okay, sige ako na ang bahala." Kunwang kaswal na saad ko na akala mo, hindi ako naiinis kanina dito. Kahiya naman kasing mag-inarte ako sa harap nila Kuya.
"Teka..ano 'yan? Ano' yan? Isasauli na? Wala pa man, isasauli na agad?" sabat ni kuya Mark na kulang na lang, magkunwari din akong inexistent 'to.
"Iuuwi muna ni Louie," saad ni Mason sa kuya.
Muli na namang nanukso ang kuya nito at patay-malisya na lang ako sa naririnig kahit alam kong pulang-pula na ako. Pero medyo ikinagulat ko din na pinagtaasan yata ito ng boses ni Mase.
"Hi Louie," saad ni kuya Mark nang makababa ito ng kotse.
"Hello po," tipid na bati ko dito.
"Alagaan mong mabuti si Lark. Alam mo bang katabi ni Mase yang matulog?" ngisi nitong taas-baba pa ang mga kilay.
Kung hindi ka lang talaga kapatid ng... ng kaibigan ko!
Inabot naman sa akin ni Mase ang bag na bitbit niya kanina na siyang naglalaman pala lahat ng mga gamit ng beagle.
"Sa Lantern Parade na lang ulit," saad nito sakin.
Tumango ako. "Sige. Salamat pala kanina."
"Ano raw pare?" Muling sabat ni kuya Mark na nakasandal na sa bintana ng kotse sa side ni Kuya J.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...