Completed.
Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot.
It's suddenly c...
Hay, bakit ba kasi ganito kahirap ang subject na 'to?! Argh!!! Nauubos ang braincells ko!
All I do is to take a deep breath and roll my eyes. Heavy reviews, seat works and studies couldn't swallow of my brain in one snap.
"Bhe, copy paste ko yung assignment mo." My friend says. Kinalabit nya pa ako ng kinalabit.
Hindi ko sya pinansin. I needed to focus on my seat works.
"Bhe, pakopya ako. Dalian mo habang wala pa si, Sir." Tiningnan ko na sya ng masama. Si Green, kaibigan kong tamad gumawa ng homework.
Nakakahiya naman sa bunbunan kong pigang-piga na kakasagot sa aralin na ito. Hiyang-hiya ang bunbunan ko sa kapal ng apdo nitong kaibigan ko
"Bhe, hindi ko pa nga alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito pwera na roon sa kalahati kong natapos. Tapos kakana ka dyan na pakopya. Shuta. Baka naman, subukan mong magsagot, hindi nakakamatay ang pagsagot ng homework." Inirapan nya lang ako. Sapukin ko pa sya eh. Inasa na sa akin ang lahat. Ang hirap magsagot eh.
Kahiya namang mamatay-matay at maubos-ubos ang braincells ko, kokopya pa sya.
Habang abala ako sa pagsasagot, abot naman ang kalabit sa akin ni, Green. Tingnan mo 'tong babaeng ito. Sabunutan ko lalamunan nito.
Kaunti na lang, tanggal bituka nito sa akin. Chariz lang. Kahit naman minsan ay pagka-maewan sya, mahal ko pa rin sya. As a friend.
"Bhe, si ano," hindi ko sya ulit pinansin. Si ano daw eh, hindi naman nagbanggit ng pangalan. Parang ewan lang talaga 'tong kaibigan ko.
Kurutin ko pinaka-maliit na cell nito sa singit eh.
"Huwag kang magulo, bhe." Kinurot nya ako sa tagiliran kaya napabalikwas ako. Pinitik ko ang noo nya pero mukhang wala naman syang pake sa ginawa ko. Nakatuon ang atensyon nya sa lalaking nakaupo sa upuan ni, Sir Branwen.
"Yung anak ni, Sir. Shuta, ang gwapo nya, bhe. Nakaka-laglag panty ang kagwapuhan." Bulong sa akin nito. Napakunot naman ang noo ko. Bigla kasing nagkikisay ang kaibigan ko. Shuta talaga.
Obvious na obvious sya.
"Hoy, umayos ka nga. Magsagot ka na dyan. Aabutan ka na naman ng-" Bigla nyang tinakpan ng notebook ang mukha nya. Tingnan mo 'tong gagang 'to.
"Huwag kang magulo, Vinci. Nakatingin sya dito sa atin." Bulong nya sa akin. Nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase kong bubuyog.
"Eh, ano naman? Para kang sira, umayos ka nga. Halatang-halata ka sa ginagawa mo." Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si, San.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Sinuklay nya ang buhok nya gamit ang kanang kamay nya. Nakatingin lang sya sa gawi namin. Nahiya naman ako kaya nag-iwas na ako ng tingin.
"Bhe, shuta! Ang swerte mo." Bulong sa akin ni, Green. Anong kagagahan na naman kaya ang sinasabi ng babaeng ito.
Harot, harot na bata. Asan ba yung pamalo ko.
"Hindi mo ba nakita?" Halos mapunit ang labi nito dahil sa malapad na pagkakangiti.
"Ang alin, bhe? Ayan sige, pagbutihin mo ang pag-harot. Kung ano-ano na ang nai-imagine mo." Binatukan nya ako at hinampas ang braso ko.
"Sira. F.O. na tayo, bhe. Sinabihan mo ako ng maharot kahit medyo true naman. Charot." Parehas kaming tumawa.
"Seryoso na, bhe. Ang alin ang hindi ko nakita?" I asked.
"Nag-smirk sya sayo. Actually, hindi yon smirk. Little smile. Ang hindi mangiti-ngiting anak ni, Sir Branwen. For the first time, ngumiti sya at dahil sayo yon!" Okay? what is this? Napayuko ako kasi alam kong namumula ako.
Okay, I admit. Sir Branwen son is my type. Ayoko ko lang umasa dahil hindi ang isang tulad ko ang tipo nya. Gwapo sya at talaga namang maraming babaeng magaganda ang nagkakandarapa sa kanya. Isang hamak na mataba at panget lang naman ako.
Anyways, ayoko ng mag-drama. Ehem. My name is Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old and future Police Detective.
•••
{ vwi note } this is a work of fiction. names, characters, business, some places and events are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner.
{ v } no part of this story may be used or reproduced in any manner without permission from the author.
{ w } do not distribute, publish, modify, transmit, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any forms.
{ i } enjoy reading, everyone! thank you and love lots!
vin
🍊
Started: 4-10-2021 Ended: 5-19-2021
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.