Chapter 2. Confidence

7K 193 1
                                    




Confidence



"Inimon mo para may lakas ka mamaya pag nakita mo ulit ang ultimate crush nang buhay mo!" halakhak ni Mia n aparang sira!

"Ayoko nga! Baka my gayuma iyan!" Pabiro kong sabi kay Mia. Pero ang mga mata ko ay nakatitig pa din kay Charles sa malayuan.

"Ang misteryoso talaga ni Charles, Isay ano? Hindi ko inakala na mapapansin niya tayo... Tsk, sa dinami-dami ba naman ng mga babae na nakahilera diyaan sa kanya at isa na ako para mapansin ay walang epekto! Pero ikaw? Heto binigyan ka pa ng tubig. Ikaw na talaga bestfriend!" ngiti niya at napailing pa.

"Siguro ang iba nilalagay na 'to sa metal piece ng bahay nila!" Taas hawak niya sa bote ng mineral water na parang nanalo sa woman's marathon. Ang gaga talaga!

"Ano ka ba coincidence lang 'yon. Of course classmate nga natin 'di ba? Over ka naman kong makapag-react! Eh, halos lahat ng babae na alam niya na patay na patay sa kanya, e, jinojowa niya! Eww, ayaw ko matulad sa kanila!" nguso ko kay Mia.

"Oh, no. He never took advantage, Isay. I know him. Iyong mga babae lang naman ang lapit nang lapit sa kanya. You know that he's not snob, 'di ba? And he's the friendly type." Sabay inom niya sa tubig at nakangiti pa!

"I don't care Mia and I'm not interested! Ayaw ko sa mga playboy type. Isa pa, sa sobrang gwapo niya ay nakaka-insecure na. Iyong pakiramdam mo ang pangit-pangit mo kapag katabi mo siya!" taas kilay ko.

"Tayo na nga! Late na tayo sa susunod na klase natin!" Sabay hila ko sa kanya.


NAKABALIK kami sa classroom at late na kami ng limang minuto. Nakatingin na naman ang mga walang magawang kaklase namin sa aming dalawa ni Mia.

Sa second row sa harap kami ni Mia nakaupo. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ni Mia sa harap maupo! Kaya, kong asaan siya nakaupo roon na lang din ako.

Tanaw ko agad sa kabilang row ang upuan ni Charles na nakatitig naman sa banda namin. Sino kaya tinititigan niya? Hindi ko na lang pinansin. Bumaba ang titig  ko sa kurbata niya na ngayon ay maayos na maayos na.

Katabi  niya si  Miranda. Nakatitig din sa banda namin ni Mia si Miranda at mukhang naiinis pa. Maganda si Miranda at matalino. Maraming lalaki sa campus namin ang nagkakagusto sa kanya. Pero dahil crush ni Miranda si Charles at sila palagi ang magkasama, kaya napagkakamalan silang mag-jowa.

Dalawang beses na kaming classmate ni Charles sa pagkakaalam ko. Noong grade 3 at ngayon. Matalino siya, at ewan ko ba kung bakit napunta siya sa section namin. Dapat sana roon siya nabibilang sa mga matatalinong studyante na kagaya rin niya.

Dahil sa kagwapohan niya at talino. Sikat siya sa boung campus. Maraming may gusto. Siya rin ang presidente ng student body organisation. Pero iba ako, noon pa man 'di ko pinangarap na gustuhin ang mga taong sikat at sobrang gwapong matalino.

Mahirap kasi silang abutin. Sa mga telenobela lang at mga pocket books ang mga storyang ganoon. Sa totong buhay wala naman talaga! So bitter ako pagdating sa mga bagay na 'to. Kaya kahit na gustuhin ko mang humanga sa mga katulad niya, ay wala akong panahon at ayaw ko! Pero iba si Karl kasi nga kababata ko...

Nahuli nang mga mata ko si Charles. Taimtim na tuloy ang titig niya kaya umiwas na ako. TInaasan ko pa siya ng kilay ko. Gumuhit lang ang maliit na ngiti sa labi niya at umiling pa!

"Where the two of you been?" si Mrs Kim sa amin, English teacher namin siya.

She's on her 40's. Maganda at madalas niya akong napag-uutusan nang kong ano ano. I think I'm her favourite in this class. Kaya minsan naririnig ko na lang ang mga chismosang babae na mga kaklase ko na nagsasabing 'teachers pet ako'  which is okay? Hello? But I love this subject and I excel on it perfectly! Kaya bahala na kayo! Pakialam niyo!

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon