Chapter 45. Engagement

4.6K 200 27
                                    




The Engagement


Dalawang linggo matapos ang insidenting iyon kina Miranda at Tracy ay bumalik ulit ang lahat sa dati. Huling usap namin ni Charles noong isang linggo. Abala siya ngayon dahil inaasikaso niya ang production ng kompanya sa Canada. Nagpaalaman naman siya ng maayos at nag-usap din kami sa telephono.

Hindi ko na rin binangit ang nangyari kina Miranda at Tracy. Ayaw ko kasi na mag-alala siya. Hindi naman importante ito. Pero naalala ko pa rin ang singsing na pinakita ni Tracy kay Miranda, totoo kaya iyon? Hindi naman siguro. Tama nga si Miranda, baliw si Tracy at gumagawa ng paraan para mangulo.

Pero bakit hindi sinabi ni Miranda na ako ang girlfriend ni Charles? Napapahamak tuloy siya. May sekreto ba akong dapat malaman na hindi ko alam? Kailangan kong itanong kay Charles ito sa susunod na pag-uusap namin. Hay, naku! Ang dami-daming iniisip ko at nalilito na ako.

Mainit ang tirik ng araw. Pero mas pinili kong pumunta sa rooftop ng engineering building namin. May iilang studyante na nakaupo at nagbabasa, at ang iba naman ay nag-uusap lang. Maganda rito, nakikita mo ang kabuuan ng boung paaralan at ang mga kalapit na building. Makikita mo rin ang mga studyanteng naglalakad sa baba na papasok at labas ng gusali.

Sa hindi kalayuan ay kitang-kita ko si Mia sa baba. Anong ginagawa niya rito? E, sa kabilang building ang klase niya? Alam kong ako lang ang pinupuntahan niya kapag napapadpad siya sa gusali namin. Kaya bumaba na ako. Nagtagpo kami sa hagdanan, sa ikatlong palapag.

"Isay! Dios ko! Hiningal ako sa kakahanap sa'yo!" sa bilis na salita niya.

"Anong meron?" nalilitong tanong ko at humawak na siya sa palapulsuhan ko.

"Halika, roon tayo sa baba."

Bumaba kami at sa babang bahagi ng gusali naupo. May iilang upuan kasi rito at may maliit na puno pa.

"Ano bang meron? Emergency ba?"

Pinakita niya agad sa akin ang diaryo na bitbit niya. Ang frontpage agad ang nabasa ko. 'The Delavega and Hermes Merging Companies. Announcing the soon engagement of the family'.

Kumalabog ang puso ko nang mabasa ito at parang binuhusan ng malamig na tubig sa boung katawan ko. Natulala na ako .

"Isabella..." panimula ni Mia.

Nakahawak pa din ako sa diaryo at hindi makapaniwala. Walang binangit si Charles sa akin. Kaya mas nakapagtataka. Napatitig na ako kay Mia at hindi ko alam kong maiiyak ba ako o matatawa ba.

"Walang sinabi si Charles sa akin, at hindi ko alam kung paniniwalaan ko 'to?" sagot ko.

"Tama. Balita lang ito at ang mahalaga ay ang kayo 'di ba? Nakausap mo na ba siya?" tanong ni Mia na ikinabahala ko.

"Hindi pa e, noong isang linggo ang huling usap namin. Alam kong nasa Canada siya at sinabi na rin niya na baka hindi muna kami mag-uusap."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, Mia."

Ang totoo nag-aalala na ako. Hindi naman palaging ganito at ngayon lang na pareho kaming abala masyado. Midterm na kasi kaya abala rin ako at siya sa bagong proyekto. Kaya okay lang sa akin na hindi kami masyadong nag-uusap na.

"Kilala mo ba kung sino ang anak ng mga Hermes?" si Mia.

Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya at napailing na.

"Si Tracy Hermes."

Ngayon naalala ko na kung sino siya. Siya ang umaway kay Miranda noong nakaraang linggo.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon