Chapter 52. Aftermath

5.7K 251 28
                                    


Aftermath

Nagising akong masakit ang ulo. Tinanaw ko ang kisame at kumunot ang noo ko dahil kakaiba ito. Hindi ito ang kwarto ng hotel ko. Iginalaw ko ang paa, pero masakit ito ng konti. Pumikit ulit ako at napahilamos sa sarili.

Tinitigan ko ulit ang kisame at ang buong paligid. Nasaan ba ako? At kaninong kwarto ito? Parang naalimpungatan ako na parang nananaginip pa din. Ano ba kasi ang nangari sa akin? Bakit napunta ako rito?

Pinilit kong bumangon at nauipo ako nang bahagya sa gilid ng kama. Naka IV dextrose ang isa kong kamay at may nakabalot na puting bendahi sa isang paa ko. Kumunot ang noo kong nag-isip. Pilit na iniisip kong ano ang nangyari.

Tiningnan ko ang boung silid, maaliwalas at malinis. Kulay cream at gray, malaki ang silid at my maliit na opisina na puno ng libro sa gilid. Malaki ang kamang ito at panlalaki ang kulay ng bawat gamit rito.

This is a man's room. Isip ko.

Masakit pa rin ang ulo ko. Tiningnan ko ang malaking orasan sa dingding at napaawang ang labi ko. Alas singko y medya na kasi at halos hindi ako makapaniwala sa sarili. Natulog ba ako buong magdamag? Pilit kong inisip kung anong nangyari kagabi. I know I drink a few and a few means a lot. I stared at the bandage of my foot. Okay, ngayon naalala ko na. Nakaapak ako ng isang matulis na bagay kagabi at maraming dugo nito.

The heck, why so stupid, Isabella! Tugon ko sa sarili. Oo naalala ko na and lahat. Naalala ko na ang bawat eksena kagabi at pati na ang halikan naming dalawa. Bwesit! Nagmura ang isip ko. I was drunk, totaly drunk and in so much mess.

Bumukas ang pinto at nabigla ako at kinabahan. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Alam kong kwarto ito ni Charles, at kong hindi ako nagkakamali nasa puder niya ako ngayon.

"Gising na pala kayo, Ms. Isabella," ngiti nang isang dalagita.

I think she's on her teenage like fourteen. Mahaba ang buhok at malapad ang ngiti niya. May dala siyang pagkain at kong hindi ako nagkakamali ay sopas ito. Ito kasi ang madalas lutuin ni Mommy sa tuwing may sakit ako. Kaya pamilyar sa akin ang amoy nito.

"Kumain po muna kayo habang mainit pa," nakangiting tugon niya at tipid akong ngumiti pabalik sa kanya.

"Tatawagin ko lang po si Doctor Eric."

Nilapag niya rin ang tubig sa maliit na mesa, sa gilid ng kama kung nasaan ang sopas. Binigyan ko siya nang ngiti. Kinabahan ako kanina nang pumasok siya. Akala ko kasi si Charles ito. Hindi pa naman ako handa sa kanya.

"Natulog ba ako boung magdamag?" mahinang tanong ko at napatitig siya sa akin ng husto. Parang nalilito ang mga mata niya, hanggang sa makuha na niya ang ibig sabihin ko.

"Uh... Ibig niyo pong sabihin kung natulog po kayo boung araw?"

Tumango ako.

"Ah--Oo ngayon lang po kayo nagising. Twenty four hours po ang tulog ninyo, Miss Isabella," ngiti ulit niya.

"Nag-aalala nga po si Sir sa inyo. Pero sabi naman po ni Doctor Eric normal lang daw po iyon. Tatawagin ko muna si Doctor, para malaman niya po na gising na kayo."

Hindi ako nakaimik, akalain mo twenty four hours and tinulog ko! Grabe siguro ang kalasingan ko ano? Lumabas na siya at maingat na isinara ang pinto. Napayuko na ako sa sarili at tulalang tinitigan ko ang paa na ballot sa bandage at ang kamay na kung nasaan ang IV dextrose.

Nag-angat ulit ako nang tingin nang mapansin ang pagbukas ng pinto.

"Hi, Isabella. How are you feeling?" on his baritone voice. Pormal ang tindig niya at malinis ito. Nakasuot ng salamin at may katamtaman na pangangatawan. Maamo ang mukha pero kakaiba ang titig ng mga mata niya. He's somehow mysterious but when he smile he's like an angel.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon