Chapter 16. Fight

4.9K 248 93
                                    



Fight


Nilagay ko si cheeska kasama ng iba pang halaman ko. I have a few collections of monstera type. Noon, hindi ko maintindihan si mommy sa mga bagay na ito. Nagsimula ang lahat nang binigyan ako ng lucky bamboo ng best friend kong si Mia, and that was 8 years ago.

Ang dami kasing pamahiin ang mga instik na tulad ni Mia. Kahit sa ano mang bagay kasama na ang halaman.

"Kaya cheeska kasi tagalog sa swiss chees plant, gets mo na?" saad ko kay Mia na ngiting-ngiti habang nakikinig sa kwento ko.

"Ang korney naman. E, butas butas naman gaya ng puso ni Karl para sa'yo," halakhak niyang pang iinis sa akin.

Totoo butas-butas ang dahon ng swiss plant. Kaya ito ang mas nagbibigay kaibahan sa kanya. At dahil diyan mas lalo ko itong nagugustuhan. Lahat ng mga dahon na butas-butas ay type ko. Praning na kung praning pero mahal ko 'ata ang mga butas-butas na uri.

Pinakita ko sa kanya ang litrato nito sa phone ko. Tumango lang din siya. Maganda raw. Pero iba ang kinang nang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"So, ano? Kayo ang magkapartner sa prom? Ang sweet naman ng invitation type ni Charles sa'yo," padyak nang mga paa niya.

"Ano ka ba! Wala lang iyon ano! I'm sure ganyan din namang taktika pinag-gagawa ni Charles sa mga babaeng gusto niya. Kaya walang kahulugan iyon. Huwang mong bigyan ng malisya, Mia," nguso ko.

"Ganoon? With matching charm 'in my heart' ganoon?" taas kilay at ngiwi niya.

Tumayo ako at naglakad na. Bahala nga siya at ayaw kong tinutukso niya ako kay Charles.Nakasunod lang din siya sa likod ko.

Nasa labas kami ng track and field, P.E. na kasi namin at on field kami ngayon. May magaganap na acitivity at hinihintay lang namin si Sir Teddy, and PE teacher namin. Kagaya namin ni Mia nakikipagchismisan din ang iba naming mga kaklase. Ano pa nga ba ang bago? Sadyang ganito naman talaga rito sa paaralan.

Napalingon kami ni Mia nang marinig ang tili ng iilang kababaihan sa unahan. May ibang mga studyante kasi at ibang seksyon ang nandito sa oval playground. Tumitili ang kabilang grupo nang makita si Charles, kararating lang din niya. Nasa likurang bahagi niya si Miranda. Nakasunod ito sa kanya na parang aso at hindi maipinta ang mukha. Napatingin siya sa akin at taimtim ang titig na parang gusto niya akong sabunutan.

"Anong problema ng bruhang iyon?" saad ni Mia at sinunod namin siya nang tingin.

Napaisip tuloy ako. Pumayag akong maging ka date ni Charles sa prom kasi kutob ko na sina Karl at Miranda ang magkapareho. Naiinis ako kapag naiisip ko ito.

Dumating na si Sir Ted at lahat kami nakalinya ng grupo. As usual, si Mia ang ka grupo ko. By letter kasi ang basihan ni Sir Ted, e, magkasunod lang naman kami ng apelyedo Mia. Kaya madalas magkasama kami talaga.

Work out lang daw muna ang simula at ang sport activity ay run on realay. Takbuhan isa-isa hanggang sa makarating ang huling miyembro sa dulo. Una si Mia, sumunod ang isang lalaki naming miyembro at ako ang at may isa pang lalaki kaming kasama, siya ang panghuli.

Kalaban namin ang isang grupo. Nang magsimulang pumito si Sir Ted ay tumakbo agad si Mia nang mabilis. Naibigay niya ito sa kasama namin at patakbo na ito patungo sa akin.

"Serve!" Sabay tap nang kasama ko at tinangap ko agad ito. Mabilis rin akong tumakbo.

Malapit lang ang tatakbuhin at hindi naman malayo. Rinig ko pa ang sigaw ni Mia. Saktong-sakto ang abot ko para e-tap ang kamay ng huling miyembro namin nang may biglang humagip sa paa ko.

I was down, nearly face plant! Kamuntik nang humalik ang mukha ko sa lupa. Mabuti na lang at nagamit ko ang mga kamay ko at naabot ko ang kamay ng huling myembro namin bago ako tuluyang natumba. Nakatakbo ang huling miyembro namin at unang nakarating sa finish line.

"Aray ko, butiki!" lihim na mura ko sa sarili.

Tumayo agad ako at tinitingnan ang mga kamay ko. May sugat ito at dumudugo. Tiningnan ko ang paang humagip sa akin, si Miranda ito.

"Ops, sorry!" ngiwi niya at taas kilay pa. Kumunot na ang noo ko at lumapit na ako sa kanya.

"Nananadya ka ba?" lalim na titig ko at napaatras agad siya.

Akala siguro ng bruhang 'to hindi ako lalaban sa kanya! Pwes nagkakamali siya!

"Sinadya mo, Miranda!" sigaw ko at lapit sa mukha niya. Pero may biglang humawak ng braso at napatitig ako rito, si Charles ito.

"Damn it, Miranda!" tiim-bagang niya at talas ng titig nito.

Lumapit si Sir Tedy at tiningnan ang mga sugat ko. Inutusan si Charles at sinabihan na may first aid kit siya sa bag. Dinala na ako ni Charles dito at ginagamot lang din. Kitang kita ko pa mula rito sina Sir Ted at Miranda. Mukhang pinagagalitan niya ito. Kumunot lalo ang noo ko pero napangiwi na.

"Aray! Mahapdi, ano ba!" sabay agaw ko ng kamay ko mula sa pagkakahawak ni Charles.

"Sorry. Konti na lang... Malapit na," mahinang tugon niya.

Napatitig na tuloy ako sa kanya at hinipan na niya ito. Pinagpapawisan siya habang ginagamot ang mga maliliit na sugat sa kamay ko. Maingat na ginamot ni Charles ang mga ito. Hindi naman karamihan pero mahapdi siya sa pakiramdam.

Tinitigan ko na ang kamay niya hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa maamo niyang mukha. Namangha tuloy ako, ang gwapo niya pala... Hindi ko kasi napansin na ang laki na ng pinagbago niya.

Maingat niyang hinipan ang sugat sa kamay ko at napatingin na tuloy ako sa labi niya. At sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko. Kaya binawi ko na tuloy ang kamay ko sa kanya.

"Okay na. S-Salamat."

Pero kinuha niya lang ulit ang kamay ko at nagpatuloy sa ginawa niya. Natahimik na lang din ako.

"Konti na lang," tipid na tugon niya. Pumatak na tuloy ang pawis sa mukha niya.

"Okay all done. Hopefully it won't leave a scar on your skin," sabay hawak niya sa kamay ko titig nito.

Hinaplos niya ng mariin ito at napayuko na ako. Naalala ko lang din ang nakaraan namin dalawa, noong grade three pa kami. Ang baliw niya noong mga panahon iyon, kaya umiwas na agad ako sa kanya.

"Are you okay?"

Tanong niya sabay hawi sa bangs ng buhok ko. Nakatabon kasi ito sa mga mata ko. Tumango lang din ako at tumayo na.

Nakakasiwa kinakabahan ako at hindi ko maintindihan ito. Napatayo rin siya at mariin ang titig sa akin. Napakurap na akong lalo.

"C-C R muna ako, Charles."

Tumalikod agad ako. Hindi ko na hinintay na magsalita siya, dahil agad akong umiwas sa titig niya.

"Bruha ka talaga Miranda ka!" lihim na tugon ko sa sarili habang papasok sa pambabaeng toilet.

Alam kung sinadya ito ni Miranda. Ano ba kasi ang problema ng bruha! Nakakainis talaga.



❤️❤️❤️
salamat much 😘

❤️❤️❤️salamat much 😘

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon