Chapter 33. Forbidden

3.1K 137 0
                                    



Forbidden


"Done!" siglang ngiti ko.

Nang mapatingin ako sa relo ay lagpas ala una na. Ininom ko agad ang cappucino na dala niya. Medyo lumamig na ito pero okay lang at kinain ko na ang sandwich sa harap niya.

"Isabella, I don't like this... You are working too much," saad niyang seryosong nakatitig sa akin.

Hindi ako makatingin sa kanya. I feel the guilt is on me. Kaya pumindot na ako sa laptop habang kumakain.

"Sanay na ako, ano ka ba. Parang hindi mo naman ako kilala."

"That's my point, Isabella. Everyday is like this with you, you're not even thirty, love. Bigyan mo naman ako kahit konting oras-- Oo, huwag na ako. Ang sarili mo na lang," dismayadong tugon niya at nahinto agad ako.

Napatitig ako sa kanya at umiwas agad siya. If he were to ask me now I will tell him to break up with me. Sa tingin ko kasi, wala akong kwentang girlfriend para sa kanya.

Tumayo na ako at nilapitan na siya. Alam kong marami akong pagkukulang bilang kasintahan niya. Yumakap ako sa likurang bahagi niya at nakaupo lang siya rito.

"Alam ko, at salamat. Alam ko marami akong pagkukulang at salamat sa pag-intende sa akin, pero Sebastian--"

Pinaikot niya ang swivel chair na inupuan at humarap sa akin na nakaupo pa rin. Hinawakan niya ang baywang ko at pinaglapit ang katawan ko sa katawan niya.

"Don't do this to me, Isabella..." sa nababasag na boses niya. Hindi ko tuloy alam kong sasabihin ko pa ang gusto ko.

"Can I kiss you?"

Uminit ang tainga ko sa narinig at seryoso ang mga titig niya. Pero bakit parang wala akong nararamdaman sa kanya. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Mia.

Pinikot ko na ang mga mata ko at hinayaan siyang halian ako. Gusto kong hanapin ang sensasyon na gusto ko, pero hindi ko mahagilap ito. Dumiin ang labi niya sa labi ko at tinangap ko ito ng buo. At sa pangalawang pagkakataon ay tumugon ako, pero wala, wala talaga...

Naramdaman niya siguro ito kaya huminto na na agad siya. Tumayo siya at niluwagan ang kurbata sa leeg at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya.

"I'm sorry..." sabay yuko ko. Pakiramdam ko ako talaga. May mali talaga sa akin kahit sa umpisa pa lang. Bakit ko pa siya pinaasa? Sana hindi na...

Lumapit siya at niyakap ako ng husto. Rinig at ramdam ko ang lakas na tibok ng puso niya. I know Sebastian loves me sincerely and I don't question it. Pero paano ko ipapaliwanag sa kanya, na iba ang gusto at hindi siya...

"Sebastian--" sabay kurap ko.

"Not now. Not now please, Isabella... Give me time okay."

"Pero, Sebastian. Masasaktan lang lalo ang sarili natin. Walang mali sa'yo, Sebastian. You're the man that every woman's dream of having."

"At hindi ako sa'yo? Ganoon ba 'yon, Isabella? Tell me?" pamaywang niya at tiim-bagang na. Gumuhit ang pait sa mukha niya at namuo ang luha sa gilid ng mga mata nito.

"You are perfect, Sebastian. Trust me. Pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. I wish I can dictate this stupid heart of mine! Sana nga--sana ikaw na lang.. P-Pero-"

Hindi ko na namalayan ang pagpatak ng luha ko. Naging manhid na ba ang puso ko dahil sa sakit na natamo ko noon? Stupida, Isabella!

Niyakap niya ako mula sa likurang bahagi ko at ramdam ko agad ang bigat ng hininga niya.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon