Chapter 53. In your Arms

5.7K 270 19
                                    



Warning: Rated SPG po ang pahinang ito paalala po.

In your Arms


Bukas pa ang balik ni Charles at nagpasya akong pumunta ng conference for attendance lang at hindi rin nagtagal. Medyo okay na ang pakiramdam ko at ang paa ko. Nakakahakbang na ako nang maayos kahit mahina lang ito. Hindi ako pwedeng magtampisaw man lang sa dagat ito ang huling bilin ni Eric. Ang baliw talaga.

Maaga siyang umalis patungong Paris para sa connecting flight na pabalik nang New York. Si Elena na ang nag asikaso sa akin, pero wala namang masyadong gawain. Kaya buong magdamag lang akong nagpahangin sa balkonahe.

Ang mga libro ni Charles na nasa study table side ng kwarto ang pinagkakabalahan ko. Tiningnan ko kong may magandan babasahin. Kaso hindi talaga ako mahilig magbasa ng makapal na libro. Mas mabuti siguro kung taniman ang aasikasuhin ko.

May isang uri ng tanim lang siya sa study table at ang cactus. Natawa ako ng tiningnan ko ito.

"Kawawa ka naman nag-iisa, dagdagan kaya kita?" salita ko sa halaman. Hinawakan ko ang magkabila niyang gilid na matutulis.

Bumaba ako at nakita si Elena sa sala.

"Elena, malapit lang ba rito ang nursery? Yung sa mga halaman?"

"Oo, Ms. Isabella. Gusto mo samahan kita?"

"Sige ba. Tutal wala na naman akong gagawain. Gusto ko sanang bumili ng maliliit na halaman para rito sa loob."

"Sige po," ngiti niya at inihanda na ang sarili.

Malapit lang pala talaga, sa may kabilang kanto lang ito. Nakikita ko ang ibat-ibang uri ng mga indoor plants. Bumili ako ng maliliit na succulents para sa loob at bonsai na rin, at pati na rin indoor na medyo malaki-laki at ferns para sa banyo.

"Ayan maganda na," ngiti ko habang nilalagay ang mga halaman sa lamesa.

"Mahilig pala kayo sa halaman, Ms. Isabella."

"Oo kahit nga sa condo ko marami ako at sa balkonahe rin. Nagtataka nga ako bakit walang halaman si Charles dito?"

"Ewan ko lang po. Pero noong una nag dala ako kaso ayaw niya. Pero iyang cactus Ms. Isabella iyan lang ang pina-iwan niya sa akin."

"Naging cactus na nga ang puso niya ano?" pabirong tugon ko at napangiti ako kay Elena. Hindi naman makuha ni Elena ang biro ko. Hapon na nang magpasya akong ipauwi na lang siya tutal okay na naman ako mag-isa.

"Elena, okay na. Ako na ng bahala rito."

"Okay lang po ba, Ms. Isabella? Baka po may ipapagawa pa po kayo."

"Wala na at huwag kang mag-alala kaya ko ng alagaan ang sarili ko. Sige na para makapagpahinga kana sa inyo," ngiti ko.

"Okay po, Ms. Isabella. Bukas po darating na si Sir Charles. May makakasama na kayo," pilyang ngiit niya at napailing na ako. Ang utak ng batang ito. Akala niya siguro hindi ko nababasa kong ano ang iniisip niya. Kaloka!

Nagpaalam na siya at umuwi na. Pagkatapos kong inayos ang halaman sa mesa ay nagutom ako. Kaya nagpasya akong pumunta ng kusina, at tiningnan kung ano ang pwedeng kainin. Ang gusto ko lang kainin ay tinapay, kaya tinapay na lang din ang kinuha ko at pinalamanan ko ito ng peanut butter. Pagkatapos ay nagtimpla ako ng kape at kumain sa bandang balkonahe.

Magandang tingnan ang infinity pool hanggang sa matatanaw mo ang dagat. Maaliwalas ang hapon. Nang matapos akong kumain ay nagbasa ako ng libro. Kinamusta ko rin si Mia na abala sa presentation niya. Hindi kami nagtagal na nag-usap. Hindi ko muna sinabi sa kanya ang tungkol kay Charles, ayaw ko kasi na mag-alala na naman sya.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon