Chapter 50.Possessive

3.6K 145 0
                                    


Possessive


Past lunch time. I have no appetite to go back to the venue and eat. Meals are included. Pero kung nandoon lang din siya ay huwag na! I can manage myself. Kaya naglakad ako sa labas para makalanghap ng preskong hangin.

It's 30 mins past one and still I don't feel hungry. Alam kong kape lang ang ininom ka kaninang umaga. Mamaya na lang ako kakain dahil ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi na rin ako bumalik sa venue. Umaga lang magaganap ang presentation, at pagkatapos ay lunch time na. You can stay if you want to chat with the other Architects, pero mukhang ayaw ko na 'atang bumalik. Bahala na.

Aliw kong tiningnan ang mga batang naglalaro sa tabi ng dagat. Masaya silang naghahabulan na parang nagpapatintero. Ang saya maging bata, wala kang inaalala, wala kang iniisip at parang wala kanbg problema. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan sila.

Matagal na, at nakalimutan ko na ang lahat. Nang gabing nalaman ko ang engagement nina Charles at Tracy ay nabaliw akong sandali. I beg dad to let me fly somewhere, I beg on my knees. Nagmakaawa ako na kong pwede ay ipadala ako saan man bahagi ng mundo!

Walang araw at gabi na hindi ako umiiyak noon. Nabahala ng husto sina mommy at daddy sa akin. Mabuti na lang at naintindihan ako ni daddy at inayos ang mga papelis ko. After a week mom and me flew to Australia. Noong una bakasyon lang ito, hanggang sa ayaw ko ng bumalik pa. Nag-extend siya para sa akin, at kay Tita Bernadette kami nakitira sa Queensland. Pero kailangan na din bumalik si mommy dahil sa naiwang trabaho at naiwan ako sa tita ko.

Ang inakala kung isang buwan ay naging tatlong buwan, hanggang sa naging isang taon. I studied there and work part time too. Nag-sideline ng ibat-ibang trabaho para maging abala sa sarili at makalimutan si Charles.

Bumalik lang ako noong kaya ko na. I have changed, people change. Ewan ko lang kung nagbago ba ang puso ko. Pero alam kung nagbago na ito. Pero ngayon na nasa harap ko na naman siya ay pilit na binibuhay ang nakaraan ko sa kanya.

I don't want to go back to my old self anymore. Ayaw ko nang balikan ang ano man ang noon sa amin ni Charles. Ang dami ng nagbago at ayaw ko nang maging baliw ulit pagdating sa kanya. I am okay of what I have now, kahit na hindi ako masaya...

Nakangiti kong pinagmasdan sila na nababasa sa tubig ng dagat. Ang inosenting mga ngiti ay nakakawala ng problema. Natanaw nila ako dahil malapit lang naman ako sa kanila. Kaya lumapit ang ang isang batang lalaki sa akin.

"Do you want to play with us?" tugon niya nakangiti. Sa tingin ko ay nasa edad syete pa ang batang ito.

"Sure. I can join you," ngiting-ngiti ko.

"Yes! Yes!" sigaw ng iilan sa kanila at ang dalawang babae bata ay nakangiting tinitigan ako.

"Okay! Here I come I will chase you!"

Sabay silang nagtakbuhan lahat at ako ang nanghuhuli sa kanila. Ang daya nga, dahil ang bilis nilang tumakbo, at ako? Heto kailangan ko na 'atang mag-ehersisyo.

Ang saya namin at basang-basa na rin ako. Ngayon ko lang 'ata naranasan maging bata ulit. Ang daming mga bagay na hindi ko nasubukan, dahil sa naging abala na ang buhay ko. Ang saya pa lang mglaro na kasama sila. Hindi ko nagawa ito noon, at hindi namin nagawa ito noon ni Mia.

Huminto akong saglit at pinunasan ang basa kong mukha. Basa na rin ang suot kong damit na puting t-shirt at short. Nang lumabas kasi ako mula sa convention ay nagpalit agad ako ng damit sa hotel na inakupa ko. Kaya naka short at puting t-shirt na ako ngayon.

Hanggang binti lang naman ang tubig dagat, pero dahil mga bata ang mga kalaro ko ay basa na rin ako. Ang sarap maglaro kasama sila. Puno nang halakhak at tawa. Nangingibabaw ang saya at tuwa sa mga mata nila na parang wala kang problema.

Pinaulanan nila ako ng tubig dagat, tumalikod na ako at tawang-tawa sa sarili. Ang kiliting ngiti at tubig na dumapo sa likod ay sapat na para makalimutan ko ang lahat ng lungkot at sakit sa puso.

Napansin ko agad na may nakatingin sa amin. Hindi ko na pinansin at inisip ko na lang na baka isa ito sa mga magulang ng mga bata na nandito. Napatingin ako sa kanya at napangiti pa. For a second I didn't care if who he is. Basta ngingiti lang ako. Okay na.

"Oh, I'm tired. I think that's enough for me," hingal na tugon ko sa kanila. Nahinto rin silang lahat at nakangiting nakatitig sa akin.

"You're so pretty!" saad ng isang batang lalaki.

"What's your name?"

"I'm Isabella and you?"

"Isabella I want to marry you one day! My name is Francisco!" proud na tugon niya.

Humalakhak ako sa tuwa at ginulo ko na ang buhok niya habang tumatawa. Lumapit naman ang isang batang babae.

"Francisco Mom is calling us. We have to go."

"Oh, okay. Bye bye, Isabella!" sabay kaway niya at kumaway na silang lahat sa akin.

I waved my goodbyes to them, leaving a beautiful smile in my face. Kahit na malayo na sila sa paningin ko ay nakangiti pa rin ako. Tiningnan ko na ang sarili at napailing na ako.

Basang basa na ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Isip ko.

Imbes na bumalik sa hotel room ay humakbang na ako patungo sa mas malalim pa. Naligo akong saglit sa dagat. Umahon ako pagkalipas ng limang minuto. Hindi pa rin matangal ang ngiti sa labi ko, dahil iniisip ko ang mga bata kanina.

Wala akong dalang tuwalya o stinelas man lang. Kaya maglalakad akong basa patungo sa loob ng hotel na kwarto. Okay lang, malapit lang naman. Isip ko. Pahakbang na sana ako nang biglang may naglagay ng malaking tuwalya sa likod ko.

"Maginaw, baka magkasakit ka," saad niya.

Nahinto ako at kumunot na ang noo kong pinagmamasdan siya. Binalot niya nang bou ang tuwalya sa katawan ko at humarap siya sa akin.

Charles... Kurap akong napatitig sa kanya. Hanggang dito ba naman ay susundan niya ako? Hmp, nakalimutan ko na 'ata ang ugali niya. He's so persistence and so annoying at times. Ganitong-ganito siya noon, at hindi nga naman nagbabago ang ganitong ugali niya.

Hindi na ako nanlaban o magrereklamo pa. Sa sobrang daming nangyari sa araw na ito ay paran pagod na ang utak at puso ko. Kaya hinayaan ko na muna siya at nakatitig lang ako ng husto sa kanya.

"Your brassiere is so visible, Isabella," tiim-bagang niya at tumaas na ang kilay ko. Uminit na ang pisngi ko at kumulo na rin ang dugo ko ngayon. Okay na sana, pero kasi nagsalita siya!

Mas binalot niya ang tuwalya sa katawan ko at para na tuloy akong suman ngayon. Nag-aapoy na tuloy ang titig ko sa kanya. The heck, sino ba siya sa tingin niya?

"So what? Ano naman sa'yo? Pakialam mo? Ang iba nga rito naliligo naka two piece pa," taas kilay kong titig at nagtitigan na kaming dalawa.

"Those boys out there are watching you, Isabella. They're staring at you like you're naked," gting ng panga niya.

Face down I smirked and shook my head. Tumitig na ako pabalik sa kanya at mas naiinis na ako ngayon.

"So what! They can look, but they can't have me. At ano bang pakialam mo, Charles. Tigilan mo nga ako!"

Tinangal ko na ang tuwalya na binalut niya sa katawan ko, pero agad lang niyang hinawakan ang kamay ko at mahigpit pa ito. Kinabahan na ako at napalunok na. Pakiramdam matatalo na naman dahil sa tindi ng titig niya. Binalik niya lang ulit ito sa katawan ko ngayon.

"Keep it, babe. Just keep it please..." titig niya.

Kumalabog na ng husto ang puso at parang natunaw lang ang kaluluwa ko sa mga titig niya. Kaya pinabayaan ko na lang na balutin niya ang katawan ko. Bumuntong hininga na ako. Gusto kong magwala pero walang silbe ito, kaya humakbang na ako at hindi ko na siya nilingon pa.

Pumasok akong kwarto at diretsong nagtungo sa bangyo. Nahimasmasan lang ako pagkatapos maligo. Nakakapagod din pa lang umiwas sa isang taong hindi mo kayang iwasan. Hindi maganda ito at kailangan kong mag isip. Hindi ko siya hahayaan sa gusto niya. Manigas siya!

Kinuha ko ang twalya niya at inis akong humakbang patungong balkonahe. Magkatabi lang naman ang balkonahe namin. Wala siya rito at inis kong tinapon ang tuwalya sa bahaging balkonahe niya.

Sa'yo na 'yan! Bwesit ka! Isip ko at tumalikod na.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon