Chapter 9. Only one

5.7K 303 113
                                    


"The only rose amongst the thorns."
🍀🍀🍀

Only one


Linggo ngayon at pupunta si Mia rito sa bahay namin. May Science project kasi kami at kailangan namin itong matapos. As usual busy ang linggo ko dahil ito lang naman ang araw na pinaghahandaan ko ang lahat ng mga gamit sa school para bukas.

Nagluto ako nang butter cookies at chocolate cake. Sino bang nagsabing hindi ako marunong magluto? Expert ako sa kusina. Mahilig magluto si daddy at natutunan ko 'to sa kanya. Kabaliktaran naman si mommy. Si mommy na walang alam kung 'di piniritong isda, itlog at kung ano pang klaseng pinirito lang na putahi.

Buti na lang nahiligan ko ang pagluluto. Kaya hindi na cooking ang kinuha ko sa school, kasi alam ko naman kung paano magluto. At 'yong hindi ko pa naluluto ay maayos ko namang nasusunod ang recipes, kaya masarap pa din.

Tumunog ang doorbell. Hudyat na andyan na 'ata si Mia. Binuksan ko ang pinto. Nakangiti siyang may bitbit na siopao.

"Wow, my favourite! Para sa akin to?"

"Oo, binili ko sa bakery papunta rito."

"Nagluto rin ako ng snacks," ngiti ko.

Nilagay ko sa lamesa ang pagkain na binili niya. Umupo na siya sa harapan at nilapag ang iba pa niyang dala.

"Nakita ko si Karl at ang kapatid mo, Isay. Sa basketball court ng subdivision ninyo."

"Ah, oo paligi silang naglalaro tuwing linggo," ngiti ko

"Ang hot ni Karl. Topless ang dating! Nood muna kaya tayo," pabirong tugon niya.

Ngayon naglalaro na sa isip ko at inimagin ko na ang hitsura ni Karl. Topless ang peg! Well, nakita ko na siya noon na topless sa kalayuan. Ang hot niya kaya. Eww, ang manyak ng isip ko! Teka erase-erase!

"Ay, ayaw ko baka ano-ano pang ma-imagine ko sa kanya. Magkakasala ako."

Kumuha si Mia ng siopao at sinubo sa bibig niya. Nag-imagine pa ang bruha! Habang kumakain nito.

"Ang sarap ng siopao parang si Karl lang." Halakhak niya habang kumakain.

"Gusto ko beef alin dito?" pag-iiba ko. Mas gusto ko pang kumain kaysa sa isipin ang hubad na katawan ni Karl.

"Maswerte ka, Isay, dahil may natirang isa. Alam ko kasi beef ang paborito mo. O, heto," sabay bigay niya.

"Nagluto rin ako ng butter cookies at chocolate cake. Teka lang muna kukunin ko. "

Tumayo na ako para sana magtung sa kusina. Pero bago paman ako nakarating sa kusina ay rinig ko na ang doorbell. Tinawag ko si Manang Nita para siya ang tumingin kung sino ito. Kaya lang parang wala siya, kaya ako na ang gumawa.

Lumabas ako ng pinto patungo sa gate. Nang binuksan ko ay laking gulat ko na si Karl ang nasa harapan ko.

His face is covered in sweat. Pero ang gwapo pa rin niya. His hair is kinda messy but they're in style. Amoy ko agad ang pawis niya. Pero in-fairness mabango. At OMG! Naka topless nga siya!

Naglanding ang mga mata ko roon, roon sa abs ng katawan niya. At kamuntik na akong mabilaukan sa kinain ko. Paano ba naman kasi napaka-eye candy naman nito! Hahay, pag-iisip ko.

"Okay ka lang ba?" ngiti niyang sabi.

Dahil hindi ko matakpan ang mukha ko sa kahihiyan at dahil na din siguro uminit ang pisngi ko. Ito lang naman ang lumbas sa bibig ko.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon