I'm not in loveDalawang linggo na ang nakaraan, naghilom na ang mga sugat sa kamay ko. Salamat sa cream na bigay ni Charles. Hindi mo na makikita ang marka nito.
Linggo ngayon at family time, basta Sunday it's a family day! We go to church every morning. Kailangan pagpatak ng alas nuebe ay tapos na ang lahat. Nagsisimba kami ng alas syete at kasunod ang umagahan. Piano lessons alas dyes hanggang alas dose. Kahit linggo ay abala ang buhay ko.
Marami rin kasing ganagawa sina daddy at mommy kahit linggo. Kaya dapat pagpatak ng alas nuebe ay tapos na lahat. Matagal na akong nag piano lessons. Naging interesado kasi ako noon kaya pinag-aralan ko noong una, hanggang sa kumuha na si mommy ng tutor para sa akin. Hindi naman ako expert pero marunong akong tumugtog at may boses din naman ako.
Nang matapos ang lessons ay sinundo ako ng driver naman pauwi. Nang makarating sa bahay ay abala sila sa pananghalian. Amoy ko ang inihaw na niluluto ni manang sa labas ng harden. Nagugutom na tuloy ako, pero napag-desisyonan ko munang maligo bago kumain.
Nang matapos ay sinuot ko ang faded short na jeans at puting oversize na damit. Ganito nga pala ako magdamit sa bahay. Wala akong pakialaman sa hitsura ko. Hindi pa nakasuklay ang buhok ko at magulo pa ito nang bumaba ako.
Ang grand piano sa paanan ng hagdanan ang unang nakita ko. Bago ito, ito kasi ang regalo nina mommy at daddy sa akin noong birthday ko. Nakatayo naman sa baba ang kapatid ko na si Xeejay at nakangiti sa akin.
"Ate, hindi pa kita naririnig na tumugtug nito. Can you play a song for me, please," lambing na tugon niya.
"Pwede mamaya na. Gutom na kasi ako."
"Mamaya na, ate. Hindi pa naman tapos mag ihaw si manang. Malapit na, pero habang wala pa tugtug ka muna," pa-cute niya.
Tumingin agad ako ang labas. Makikita ko kasi hanggang rito sila. Glass ang dingding sa bahaging ito at makikita mo ang harden kasama na ang pool. Umupo ako sa harapan ng piano para tumugtug ng musika para sa kapatid ko.
"Anong kanta, ate? Dapat may dedication 'to," pangungulit niya.
"Alam mo tumahimik ka na lang mag-iisip ako!" ngiwi ko sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim na nakapikit mata pa. Wala akong suot na salamin ngayon, dahil bukas hindi ko na kailangan magsalamin. Nag-iisip ako kong anong magandang kanta at iyong may hugot talaga.
Nagsimula na ako at isa-isang pinindot ang keys ng piano. I love this song and I did practice a few. Pinag-aralan ko lalo na sa tuwing ako lang din mag-isa. Marami kasi akong iniisip at minsa naguguluhan ang isip at puso ko sa mga nangyayari.
🎶🎶🎶
I'm not in love, so don't forget
It's just a silly phase I'm going through.
And just because, I call you up... Don't get me wrong
Don't think you've got it made.
I'm not inlove, no no, it's because ...
I'd like to see you, but then again ...
That doesn't mean you mean that much to me
So, if I call you, don't make a fuss...
Don't tell your friends about the two of us.
I'm not inlove, no no, it's because...🎶🎶🎶
Tinapos ko at pumalakpak na ang kapatid ko kasama si mommy. Hindi ko napansin si mommy. Nakapikit kasi ang mga mata ko kanina habang kumakanta.
"Galing mo pala, ate!"
Humakbang na siya palapit sa akin, at may kinuha lang din sa harapan ng mesa na nakaharap sa banda ko. N
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...