Stars & Moon
Pang-anim na araw ko na ngayon sa Mazara del Vallo. Although hindi na niya ako kinukulit at kinakausap dahil umiiwas din naman ako sa kanya. Pero ang totoo na mi-miss ko tuloy ang pang-iinis niya.
Natapos na lang ang conference hindi ko siya nakita. Ito na nga ba and sinasabi ko. Nasanay kasi ang mga mata ko na andiyaan lang siya sa tabi at ngayong wala ay nalulungkot ako. Para lang baliw lang, Isabella!
Nag message reply ako kina mommy at daddy na okay lang ang lahat sa akin dito. Hindi ko na lang sinabi na andito si Charles. Ayaw ko na silang isali pa sa kadramahan ng buhay ko! Naiinis ako sa sarili ko ng sobra dahil may mga araw na gustong gusto ko siyang titigan at sulyapan. Pero panay naman ang kaartehan ko at ngayon na wala siya ay hinahanap hanap ko. Ang baliw talaga!
Nagpasya akong mag lakad sa kahabaan ng dagat, kasabay nang pagtanaw sa pagtakip silim ng araw.
Ang ganda nga naman... Nakangiti ko itong pinagmasdan na nakapikit. Kung bakit medyo may kulang sa puso ko ay hindi ko alam. Parang may kong anong butas sa ilalim nito at ang hirap maging kompleto sa sarili ko.
"Hinahanap mo ano?"
Isang boses ang nasa pumakaw sa atensyon sa likod ko, si Kevin.
"Wala siya ngayon may inasikasong importante. Babalik din iyon," saad niyang nakapamulsa at ngumiti siya sa akin.
"Halata ba?" taas kilay ko at iwas sa titig niya.
Napailing agad siya at bahagyang natawa na.
"Oo, kanina pa. Kahit sa conference ay halatang-halata," mahinang tawa niya. Natahimik na ako. Nahuli nga niya naman ako kanina.
"Paano nga ba kayo naging magkaibigan ni Charles, Kevin?" tanong ko. Sa ngayon gusto ko lang malalam kong anong nangyari kay Charles noon.
"Four years ago sa Canada. May negosyo siya sa Canada at ako rin, kaya doon kami naging magkaibigan. Seryoso na type si Charles. Malihim, wala nga akong masyadong alam pagdating sa buhay pag-ibig niya," sagot niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Are you free later? Gimik tayo. May mga banda na tumutugtug dito at sayawan. Masaya iyon, I'm sure magugustuhan mo."
Tumango ako. "Sige ba, tutal wala na akong gagawin."
"Okay great! I'll meet you later, Isabella," saad niya sabay kaway sa akin. Umalis na siya. Mukhang ang imbetasyon lang ang sadyan niya kaya kinausap niya ako.
Bumalik ako sa kwarto at nag-ayos sa sarili. Hindi ako mahilig sa mga night parties, pero iba siguro rito. Masaya siguro dahil nasa tabi ng dagat ito. Mas mabuti na ito kaysa sa mag-iisip ako ng kung ano-ano.
Um-order ako ng cocktail drink sabay upo sa gilid ng bar. Hinihintay ko si Kevin, alas nuebe na. Huli na 'ata ako. I was about not to come here anymore because my mind kept changing. Hanggang sa napagpasyahan kong pumarito na.
Tinanaw ko muna ang boung paligid at maraming tao rito. Halos lahat sa kanila may kanya kanyang partners. Hindi ko makita si Kevin kaya panay na lang din ang inom ko. Hindi na rin ako tumayo. Kung mahahanap niya ako mabuti, at kung hindi ay okay lang din.
Nagdagdag pa ako ng isa pang cocktail drink, at isa pa ulit.
"Isabella!" si Kevin.
Ngumiti ako at nilingon na siya. Pumwesto agad siya sa tabi ko at mas ngumiti na.
"Akala ko hindi ka na pupunta rito. I'm glad your here," saad niya.
"I kept changing my mind. I'm sorry," bahagyang tawa ko at napailing na siya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
Lãng mạnMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...