Miranda vs TracyNatapos ang maliligayang araw ng high school at ito na tayo sa seryosong mundo sa pag-aaral ng koleheyo, sa isang pribadong Unibersidad ako nag-aral at ang alma mater ni Daddy ang paaralang ito. Kilala rin ang pangalan niya, kaya hindi na nakapagtataka na medyo kakaiba ang trato nila sa akin.
Architecture Engineering ang kinuha ko. As usual, I'm following the footstep of my Dad. I never like math and numbers, pero nang dahil kay Charles ay minahal ko ang numero.
As usual, palagi pa rin kaming online videocall. Sobra na siyang naging abala nitong mga nakaraang mga araw. Dumagsa na kasi ang ibat-ibang klaseng proyektong hinahawakan niya. He's soaring so high at his young age, which is really impressive ika nga ni Daddy. Hindi na ako nagtataka, dahil nanalantay sa dugo nila ang pagiging experto sa larangan ng negosyo, o kung ano man ang direksyong tahakin nila.
Sebastian Steve Delavega na pinsan niya ay kilalang kilala rito sa bansa. Lahat halos ng mga construction at project ng kompanya niya si Daddy ang may hawak. Kasi paminsan-minsan nakikita ko si Sebastian sa opisina sa tuwing ako ay bibisita roon.
Hindi na ako naiilang kay Sebastian. Minsan kasi may pinapadala ako sa kanya sa tuwing pumupunta siyang Amerika o Canada para maibigay rin niya kay Charles ito. May pagkababaero nga lang si Sebastian. O sadyang ang mga babae ang kusang lumalapit sa kanya.
Mia is studying fashion and design. Pareho ang Unibersidad na pinapasukan namin, pero balak niyang mag-aral sa Paris pagkatapos ng dalawang taon sa Pinas.
Nakikita ko rin si Miranda. Business Management ang kinuha niya. Medyo okay na kami at casual na siyang nakikitungo sa akin. Pero hindi ko pa rin siya gusto.
"Isay, magkita na lang tayo mamaya!" Kaway ni Mia sa akin. Magsisimula na kasi ang subject niya. Samantalang ako meron pang isang oras na hihintayin.
Nilakad ko muna ang kabilang gusali ng paaralan para tumungo sa library at doon na lang muna manatili. Ni review ko ang Math assignment na hawak ko. Algebra & Trigonometry ito. Halo-halo pa kasi kapag first year college. Pero lahat ng kaklase ko mga engineering students.
May sariling library at building ang Engineering Department. Kaya sadyang naiiba kami sa lahat ng mga kurso.
"Nakakaantok naman dito," saad ng katabi kong lalaki, ngumiti siya sa akin.
"Bago ka? First year?" tanong niya.
"Oo," tango ko.
Masunurin ako kasi first year college pa. Kaya bigay galang sa mga matatanda, este sa mga Senior at Junior engineering students.
"Chris Villanueva," lahad nang kamay niya.
Maputi siya na gwapo, mestiso type. Nakahiwi ang buhok sa gitna. Makinis ang mukha na parang model ng 'chinchansu', in short nakaka-insecure kasi mas maganda pa ang balat niya kaysa sa akin.
"Isabella Mendoza," sabay shake hands ko.
Sa tingin ko fourth year level na siya. Hanggang fifth year ang engineering na kurso.
"Anong kurso mo sa engineering?" tanong niya.
"Ah, architecture," ngiti ko.
"Oi, welcome to our department of architects," saad niya. Hindi halata na arhitecture student din siya.
"Nabasa mo na ba ang bulletin board? Orientation and Introduction sa susunod na buwan okay. Be there." Sabay tayo niya.
"Nice meeting you, Isabella. Mauna na ako may klase pa," ngiti niya at tango ko.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...