GuiltMAHIGPIT ang yakap niya sa likod ko habang pinindot ko ang pincode ng pinto ng condo. Ramdaman ko ang pagdampi ng halik niya sa tainga ko. Umalma ako ng konti at iniwas ang sarili ko sa kanya. Palaging ganito ang eksena. Hindi pa ako nasanay sa ganito. Sa loob ng tatlong buwan na kasintahan ko si Sebastian ay hindi ko pa kayang halikan siya ng buo.
I can kiss him, yes, but I can't go more deeper than that. Wala namang mali sa kanya. He's very gentleman, kind , loving and full of surprises. Araw-araw ang padala niya ng tanghalian ko sa opisina. He knows that I am busy at work and he cater a food delivery always for me.
Swerte na nga raw ako, at ako raw ang pinakama-swerteng babae ayon kay Mia. Kung iisipin ko nga naman, tama naman siya.
For the past three months, Sebastian respected me so much. Every weekends sa bahay kami na kasama sina mommy at daddy. Kung hindi man kami magsabay ng pananghalian ay sinusundo naman niya ako sa trabaho. AT kapag out of town siya o ako, ay saka lang din hindi kami nagkikita.
It's always him that exert more effort than me. Alam ko ito, at alam ko kung ano ang pagkukulang ko bilang kasintahan niya.
"Sorry..." harap ko habang pinagmamasdan siya.
His eyes are full of desire and I know that he wants me. I swallowed hard. Halik at yakap lang ang kaya kong ibigay kay Sebastian. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maibigay ang sarili ko sa kanya ng buo.
Mahina siyang tumango at napayuko na. Minsan na nga lang ngayon na magkasama kami, dahil naging abala ako sa bagong proyekto na binigay ni daddy. Out of town din siya at alam kong namimiss niya ako ng sobra.
"Sebastian-"
Hindi ko matapos ang gusto kong sabihin dahil mariin niya lang na hinaplos ang labi ko... Every time I want to speak for myself and my mistake, he doesn't want to hear it. Nagiging bulag na siya sa pagkukulang ko. I know I should let him go, pero nahihirapan ako. Dahil sa tuwing sisimulan ko ito ay hindi niya pa siya handa na marinig ito mula sa akin.
"I'll see you tomorrow, Isabella..." sabay halik niya sa noo ko.
Mahina siyang tumalikod at tinanaw ko siyang pumasok ng elevator hanggang sa mawala siya na paningin ko.
PABAGSAK akong nahiga sa kama at tulalang nakatitig sa kisame ang kwarto. Ang tanga ko talaga! Ano ba ang mali kay Sebastian? E, wala naman 'di ba? Other girls would die to have him. Samantalang ako? Ang gaga 'te!
Kinapa ko agad ang cellphone sa gilid. Maingay kasi ito, kasing-ingay nga naman ni Mia. She's calling me and I push the speaker phone on.
"Ang tanga mo naman talaga, Isay!" buong boses niya. Napakunot-noo na ako at pinaikot ko na ang mga mata ko.
"Matagal nang nagtiis si Sebastian sa'yo ni halik hindi mo mabigay!" sermon niya.
"Nahalikan na naman niya ako, Mia," walangbuhay na sagot ko at natawa na siya sa kabilang linya.
"Halik? Anong klaseng halik ba? Dampi? E, maski one minute na lips to lips sa kanya hindi mo kaya! Gaga!" igting ng boses niya.
"Ikaw ang may problema e. Just chill, ano ba! Sebastian doesn't need to seduce a woman. Dahil kahit titig lang na galing sa kanya ay seduce na seduce na sila! Pagsisisihan mo talaga kapag pinakawalan mo pa siya!" sigaw niya sa kabilang linya, at napabuntong hininga na ako. Natahimik na din ako sa sarili ko. Bahala na siyang magtalak.
"Ayan ka na naman, Isay. Ano ba kasing hinahanap mo? Ang daming gwapong hunks na Engineer sa firm ninyo, pero ni isa wala kang natipuan? Tapos ngayon? Girlfriend ka ni Sebastian Delavega, hello! Isay tanga ka ba?"
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...