A little bit of throwback...Charles Aragon's POV
"Umalis ka nga diyan, Isabella! Ang pangit mo talaga!"
"Kung bakit naman kasi napunta ang bobo na iyan sa klase natin. E, ang tanga naman! Ang pangit pa!"
Panay ang bully ng mga kaklase kong babae sa kanya. Tumayo na siya at naupo na sa bandang gilid, sa pinakahuli ng row. Wala siyang kaibigan ni isa rito. I honestly don't like her too. Maliban kasi sa nagdadamit siyang panlalaki ay ang ikli pa ng buhok niya. Kaya napagkakamalan na lalaki siya talaga.
Hindi na bago ang ganitong eksena. Seems like everyone caught her attention every time our teachers gave her special treatment and mention. Paano ba naman, sa seksyon namin na ito ay siya lang din ang naiiba. Naisip ko baka nagkamali ang registrar ng paglagyan niya.
Our section is a speed class. Meaning, matatalino kaming lahat dito at nakikipag kompetensya kami sa isa't-isa. Lahat ng mga kamay ng mga kaklase ko ay nakataas, maliban nga lang kay Isabella.
"Isabella. Come over here. Give your answer on the board," tugon ng guro namin sa Math.
Natahimik ang lahat at ang ibang mga babaeng kaklase namin ay napangiwing pinagmamasdan siya. Nakakahawa nga siguro ang inis ano? Dahil pati ako ay nahahawa na sa mga kaklase ko. I hate her too.
Mahinang siyang humakbang papuntang harap at nakayuko pa. Natawa ang iilang mga babae sa gilid, lalong-lalo na si Miranda. Pero natahimik sila nang naisagot niya ang tama.
"Stamba lang 'yan!" lihim na tugon ni Miranda, pero narining ko ito. Nasa likurang bahagi ko kasi siya.
"Very good, Isabella. Magaling ka naman sa Math. Pero ang hina mo sa ibang subjects. From now on you sit in between Charles and Anton," tugon ng adviser namin.
Rinig ko agad ang reklamo ng mga kaklase kong babae. Mahina siyang bumalik sa upuan at tahimik lang din.
"Take your bag with you, Isabella at dito ka maupo," saad ni titser at natahimik na kami.
Nagtitigan kami ni Anton. Pero iba ang ngiti ni Anton dahil malawak ito. Siya pa mismo ang kumaha sa bag niya at nilagay ito sa tabi. Litaw ang braces sa ngipin niya na parang weirdo.
"Sit here, Bella," ngiting tugon niya at mas umusog na ako.
I don't really like her sitting in between us. Pero mukhang wala na akong choice ngayon, at katabi ko na ang bobong babaeng kinaiinisan ko.
EVERYDAY is like this. Naglipana ang chalk at eraser sa mukha at buhok niya. Walang siyang tagapagtangol at madalas ay naadudumihan ang uniporme niya ng chalk. Halos lahat sila ay natatawa sa kanya. E, sino ba namang hindi? Kakaiba kasi siya. Gupit na parang lalaki ang buhok at imbes na palda ay boy short at t-shirt ito.
Natawa nga ako noong minsan ay pinalinya siya sa linya ng mga lalaki imbes na sa linya ng mga babae. Nakakatawa talaga.
Grade three kami, at ito ang simula ng pagkakilala ko sa kanya. Tahimik, walang kaibigan at halos hindi na nagsasalita. Napanis na 'ata ang laway niya. But what makes it more interesting on her? Nagugustuhan siya ng mga titser namin.
Every snack time at lunch time ay may order kami sa canteen at siya paligi ang inuutusan ng adviser namin. May sariling pwesto ako sa harap dahil ang lolo ko ang nagmamay-ari ng paaralan na ito. Everyone knows me and there's always a special treatment in me.
I excel academically together with Miranda and Anton. Matalino rin si Anton at mayaman ang pamilya niya. This school is actually exclusive for rich kids. May pero rin naman ang pamilya ni Isabella, dahil Engineer ang ama niya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...