CrushMaganda ang umaga. Nakangiti kong pinagmasdan sa ibaba ng gusali na kong nasaan ako ang nag-iisang crush ng buhay ko. My one and ultimate crush na si Karl.
Nasa ikalawang palapag ang silid paaralan ko. Hugis kwadrado ang gusaling ito na may lobby. Aabot sa limang palapag ang taas. Ang nasa ibaba o first floor, ay ang mga speed class o higher sections. Tapos ang medyo average lang ay nasa ikalawang palapag. In-short 'average' lang ako. Hindi naman ako matalino, pero hindi rin naman ako bobo. Late bloomer nga ika ni mommy.
"Ang gwapo talaga ni Karl Bret Falcon!" nakangiti kong tugon kay Mia.
Tinitigan ko nang mabuti ang maamong mukha ng ultimate crush ng buhay ko. Sabay nguya at subo sa tinapay na itlog ang palaman.
"OH EM GEE! Isay, laway mo!" Sabay punas ni Mia sa gilid ng labi ko na nakangisi.
Karl Bret Falcon, my ultimate crush. Ultimate, kasi simula grade four hanggang ngayon year 11 na ako ay siya pa rin talaga ang crush ko.
Matalino, matangkad, hindi masyadong maputi at katamtaman lang. May katawan din na parang modelo. Matangos ang ilong, maganda ang mata at mapupungay pa. Model type nga naman ang dating niya. Childhood friend ko si Karl. Kapit bahay rin kami. Oh, 'di ba and sweet lang din!
The only son of the Falcon family. They own the most popular cosmetic candy of showbiz world. Model at artista ang mommy niya. Tapos ang daddy niya naman ay isang businessman. They look so simple on the outside but very wealthy on the inner side.
Cosmetic Candy ang pangalan ng kompanya nila. In which they cater all beauty products nationwide and agencies too. Kaso medyo may pagka-snob siya na type at sobrang seryoso sa buhay. Kaya siguro na cha-challenge ako sa kanya.
"Grabe ka magka-crush, Isay ha! Ilang taon mo na bang crush si Karl? Dinaig mo pa ang millennial grade school hanggang highschool. Baka naman pag college natin siya pa rin!" Halakhak niyang tawa na lalong nagpapainis na sa akin.
"You're so mean, Mia!" ngiwi ko sa kanya, sabay subo sa pagkain sa bibig ko. Panay titig ang mata ko sa baba kay Karl na napakagwapo.
Mia Suarez is my best friend since childhood. I mean since birth 'ata. Her mom and my mom are best of friend (bff). Mayaman ang pamilya nila Mia. Magkasosyo sa negosyo ang mama niya at ang mama ko. Maliit lang ito, pero tamang-tama na.
Ang kaibahan nga lang sa amin ni Mia she is very outspoken. Kaya 'yan ang nagugustuhan ko sa kanya. Mapagkakatiwalan mo si Mia sa lahat ng bagay. Half Chinese-Pinay. Di ba ang ganda ng breeding! Hanggang balikat ang haba ng buhok niya. Straight black. Makinis na balat, maputi, medyo singkit ang mga mata. Matangos na ilong at maganda.
Kaso nga lang madaldal si Mia. Kung hindi nga lang siya madaldal nasa speed class na siguro siya ngayon. Maganda siya manamit at kahit school uniform namin ay ginagawang fashion style niya. In short mahilig sa fashion ang bruha!
Masayang kasama. Puro kalukuhan ang laman ng utak, at crush niya halos lahat ang mga gwapo sa campus namin. Matangkad nga lang ako ng konti sa kanya.
"Karl! I love you! Love said she loves yooou!" sa lakas na sigaw niya, at nanlaki na ang mga mata ko.
Napatitig agad ako sa baba at nakatingala na ang lahat ng kaklase ni Karl sa aming dalawa. At sa kahihiyan ay nagtago na ako. Ang lakas pa ng kaba ng puso ko.
"Shhh... Mia what are you doing?" Sabay sapak ko sa ulo niya.
"It's okay, Isay. Hindi naman niya alam kung sino si Love?" Halakhak niya sa sarili na parang baliw.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...