Chapter 27. Charles POV Pt.2

3.3K 133 0
                                    



Part 2

Charle's POV


The worst part of her getting back into this routine is the most hateful feeling I felt. Pakiramdam ko kasi hindi ko siya mapapangiti man lang na katulad kay Anton.

Isang araw naglipana na naman ang mga chalk at papel sa mukha ni Isabella at tahimik at nakayuko lang din siya. Napuno na ako at hindi ko kayang nakikita siya ng ganito sa bawat araw-araw na nandito ako.

"Stop it! Isang beses pa at lahat kayo ma-e-expel sa paaralang ito!" galit na titig ko sa bawat kaklase ko. Hinawakan ko ang kamay ni Isabella at ramdam ko agad ang lamig at nginig sa kamay niya.

"From now on. No one is allowed to bully her. Or else, ako na ang makakalaban ninyong lahat," sa galit na titig ko at natahimik na sila.

Simula noon ay naging tahimik na ang takbo sa paaralan at wala ng nambubully sa kanya. Pero dalawang linggo pa lang ito at narinig ko ang hindi magandang balita ni Mommy sa akin.

"We have to move back in Canada, Charles. Doon muna tayo," tugon ni Mommy.

"Paano ang pag-aaral ko, Ma?"

"It's okay, anak. Napag-usapan na namin ito ng lolo mo. After six months sa Amerika na naman tayo. Babalik rin tayo anak," saad ni Mama.


It was one rainy day. Kumikidlat at umulan ng malakas. Bumalik ako sa classrom namin dahil naiwan ko ang drawing set na pencils. Bigay pa naman si Sebastian iyon at mahal pa. Ang pagkakaalam ko kasi nabili niya ito sa America, kaya binalikan ko talaga.

Nakabukas pa ang pinto ng paaralan namin pero wala ng tao sa loob. Nakabukas pa din ang ilaw. Nang kumidlat ng malakas ay narinig ko agad ang boses niya sa ilalim ng mesa. Hinanap ko ito at nakita ko agad siya. Nagtatago siya na parang takot na yakap ang mga tuhod niya.

"Isabella? Hindi ka pa ba umuwi?"

"H-Ha?T-Takot ako sa kulog at kidlat," sabay yuko niya at yakap sa tuhod.

Napangiti na ako. Kaya pala, napansin ko kasi ang driver niya na nasa labas pa at panay ang hanap sa kanya. Nandito lang pala siya at hindi pa lumalabas. Maingat akong tumabi sa kanya at inakbayan agad siya. Nakayuko kaming dalawa sa ilalim ng mesa ngayon.

"Hindi naman nakakatakot ang kidlat, Isabella. Halika ka na. Nasa labas ang driver mo. Hinahanap ka na 'ata ng yaya mo."

Kasama kasi ng driver nila ang yaya nito. Natahimik siyang nakatitig sa akin at nakangiti na ako. Hindi ko alam pero agad kong hinalikan ang pisngi niya at ngumiti ako sa kanya ng husto. Kumunot agad ang noo niya at halatang nagalit pa.

"Ang manyak mo talaga!" Sabay labas niya at mabilis na siyang tumakbo.

And that how I spend my whole grade three with her. Wala na akong balita pagkatapos noon. We moved to Canada for six months and transferred to America. Ang akala ko madali lang kami at babalik agad ni Pilipinas, pero mali ako dahil nagtagal kami sa America.

I was running thirteen-years-old when we went back to my old school. Panghuling grade na ako, grade six. Gusto kasi ni Lolo na sa paaralan niya ako magtapos kaya bumalik kami ng Pilipinas pagkatapos ng tatlong taon na pananatili sa Amerika.

Ang dami ng nagbago at pati na ang paligid ng paaralan. Miranda is still here and same as usual nakadikit na naman siya sa akin. Magkasosyo kasi ang mga magulang ni Miranda sa isang negosyo ni Daddy. Kaya madalas malapit ako kay Miranda.

Tahimik akong nagmasid sa lobby. Lunch break at ang lahat halos ng mga kaklase ko ay abala sa ginagawa at chismisan nila. Katabi ko ang kaibigan kong si Dave. Nakatitig kami sa mga babaeng nakahelera sa lobby. Nahinto ang tingin ko sa isang babae na kumuha ng atensyon ko.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon