Sweet goodbyeInayos ko na ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sebastian will be here soon and I'm ready to go with him. May kutob na ako sa mangyayari ngayon. After two weeks of not seeing him and him not messaging me, I know that he's preparing himself for this.
Tumunog na ang cellphone ko at sinagot ko agad ito.
"Hello?" kasabay ng pagsagot ko ay ang pagbukas ng pinto rito.
"I'm here," malawak ang ngiti niya at ngumiti na rin ako. Ibinaba na niya ang tawag.
"Ang baliw mo talaga," bahagyang tawa ko at humakbang na ako palapit sa kanya. May bibit siyang bulaklak at presko ang dating niya. It seems like he's doing so good after all.
"Flowers for you, love. How are you?" Sa mahigpit na yakap niya.
"I'm good. Ikaw?" Titig namin sa isat-isa.
"I'm doing good, love."
"Nakakatulong din pala ang hindi mo pagpapakita sa akin ano?" biro ko.
"I've told you, I need time to think. Kailangan kong siguraduhin na kaya ko na. Nang sa ganoon ay mapapakawalan kita," tipid na ngiti niya.
Medyo nagbago ang titig ng mga mata niya at huminga na ako ng malalim. I seriously stare at him without a smile on my lips.
"Kaya mo na ba?" mahinang tugon ko. Pakiramdam ito na ang compirmasyon na lang namin sa isa't-isa ang hinihintay niya.
"Hmm... I'm not that 17-years-old anymore, Isabella. Ang sakit ng ginawa mo noon, noong binasted mo ako," pabirong tugon niya at bahagyang natawa pa.
"I can manage my heart no, love... Trust me. Matibay na ito," kindat niya sa akin.
I just hug him straight away. I know I have cause a lot pain at him when he was only seventeen. Siguro ito ang kulang niya noon. At ngayon na nasubukan na niya ito ay alam kong mas tumatag ng lalo ang puso niya.
I love him... Minahal ko naman siya, pero hindi sapat ito para maging buo ako sa sarili ko. I swear to GOD I did everything I could to love him, and it's unfair if I'm not gonna be honest with him.
"Ikaw kaya mo na ba na wala na ako? Dalawang taon din kitang kinulit. Kaya mo na ba? Wala ng mangungulit sa'yo?" tipig na ngiti niya.
Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng lungkot ito. Ang totoo, sa loob ng dalawang linggo na hindi niya pagpaparamdam sa akin ay na miss ko siya ng sobra. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. I want to respect him trying to move on in this relationship.
"Hmm, kakayanin. Kaysa naman umasa ka, tapos hindi ko pala kaya... Mas masakit iyon 'di ba?"
Umigting na ang panga niya at seryoso tumitig sa akin.
"Masakit na nga dinagdagan mo pa." Sabay pisil niya sa kamay ko at ngiti na. I pouted with a sad face. Nahihirapan ako kapag nakikita ko siyang ganito.
"Sebastian-"
"I'm letting you go, Isabella," tugon niyang nakayuko at nakahawak sa kamay ko. Panay lang din ang pisil niya nito.
"I love you, and I will let you go... Mahirap pero kakayanin ko. I have passed the biggest challenge of my life already with you." Sabay hawi niya sa buhok ko at titig sa mga mata ko.
"Be happy okay... I want to be happy, love. Gusto kong nakikitang masaya ka. Follow your heart, Isabella, and don't worry about me. I'm tough, because I am Sebastian Steve Delavega," sa babang boses niya at halik sa kamay ko. Napapikit na siya at nabasag lang din ang puso ko.
Pakiramdam ko kasi kasalanan ko. Pero mas mabuti na ito, dahil para ito sa aming dalawa. Ngumiti ulit siya na parang wala lang ito sa kanya.
"Mauna ka na muna, bago ako," tugon ko at napailing na siya.
"Go and date with other woman and find your heart too. Malay mo baka nasa tabi lang ang babaeng para sa'yo at hindi mo lang napapansin..."
Napailing agad siya at bahagyang natawa na.
"I will wait until you're completely healed, Sebastian. Ayaw ko na munang magmahal na iba. Nakakapagod na."
Nabigla siya sa narinig at tumikhim na. What happened to me and Charles, Sebastian witnessed it all. He saw me when I was lost and broken. Siya lang din ang taong tumulong sa akin para makalimutan ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Charles.
"No, don't be, Isabella. If you are not committed to someone at the of twenty-nine, I will take you for real and marry you," ngiting tugon niya at natawa na ako.
"Bolera ka talaga ano? You and your sweet words," sabay iling. Sumeryoso agad ang titig niya.
"I'm not, so you better be. Or else it's gonna be a shotgun wedding." He shook his head, let a short laugh out and smirked. Sinapak ko na agad ang balikat niya!
"Baliw!" mahinang tawa ko.
"I'll be leaving to America next week."
Nahinto agad ako at nawala ang ngiti sa mukha ko. Napatitig lang din siya sa akin ng husto. Aalis na naman siya? Magtatago na naman ba si Sebastian? Ganitong-ganito kasi siya.
"B-Bakit? Agad-agad aalis ka na?" kurap ko. Alam kong may negosyo siya roon a siguro gusto niyang pagtuunan ng pansin ito.
"May problema sa production at iba pa. Kailangan kong lang tutukan," tiim-bang niya.
"Matatagalan ka ba?" kumunot na ang noo ko.
"See? Na miss mo na ako, ano? Kaya mo ba na wala talaga na wala ako rito?" pabirong tugon niya at ngiti.
"Three months, six, depende. At may sisingilin akong utang," saad niya na seryosong tingin.
"Utang? Ano ka loan credit collector?" tawa ko.
"Ganoon na nga," kindat niya.
"E, kung ganoon pwede pala ako mangutang sa'yo. Para matapos ko na iyong pinatayo kong bahay," pagbibiro ko.
"I'll help you build it kung gusto mo. Gawan pa kita ng building, but I want a marriage in exchange," pabirong tugon niya at natawa na.
"Shotgun wedding nga!" Umirap na ako at tinalikuran na siya.
"I'm not kidding, Isabella. At your age twenty-nice, I will definitely get you. And there's no turning back, not unless—"
"Not unless what?" putol ko sa salita niya.
Nakangiti ko siyang tinitigan pabalik. Ito lang naman ang nagustuhan ko kay Sebastian. He always makes me smile in every pain, in every loneliness, whenever I am down. Ito ang mga bagay na ma-mimiss ko sa kanya ng sobra.
"Not unless, babayaran ako ng nangutang sa akin," kindat pa siya at napangiwi na ako.
"You're Insane!" tawa ko.
Kinuha ko na ang bag at sabay na kaming lumabas ng pinto. We will have a nice dinner together and probably this is the last dinner that we'll spend as a couple.
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomansaMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...