Heart"What? Oh, my gulay! Kayo na? As in kayo talaga?" ngiting-ngti niya habang hawak ang braso ko.
"Sorry, bestie. Hindi ko man lang sinabi sekreto pa kasi."
"So, this is the secret?" Tumawa na ang bruha!
"No wonder, Isay. Kaya pala. Kaya pala sa social media niya ito ang nakalagay."
Kinuha ni Mia ang phone niya at may pinakita sa akin ito.
Charles Delavega posted :
If I never meet you, I wouldn't like you.
If I didn't like you. I wouldn't fall in love with you.
If I didn't fall in love with you. I wouldn't miss you.
But I did. I do and I will.
I miss you babe, I love you...Kumalabog ng husto ang puso ko sa tuwa sa nabasa. Ang sweet niya naman talaga. Lahat na yata ng paru-paru ay nakikita ko na. Imaginary nga lang! Para lang tanga sa sobrang saya at ngiting abot tainga.
"Tsk! Pahinge ng isang Delavega please Lord!" saad ni Mia na ikinatawa ko.
"Ang haba ng hair mo girl! ka inggit naman."
I never look at my social media nor update it. Paano kasi hindi naman ako mahilig masyado, at siya rin naman. Pero makikita mo na rin ang update niya paminsan minsan.
"Bwesit ka talaga, Isay!" Sabay batok niya sa ulo ko.
"Sa susunod sabihin mo naman sa akin. Ano ba naman ako 'di ba bestie tayo? Kaya walang secreto okay?"
"Oo na. I'm sorry na."
"So, nag kiss na kayo?" diretso niyang tanong na siyang pagkagulat ko.
"Mia naman ano ba iyang pinagsasabi mo? Kita mo nga nasa Canada siya 'di ba? Hello!"
Tumayo na ako at umiwas na. Binilisan ko ang hakbang at nakasunod lang din siya.
"Ah, so nagkiss na nga!" tawa niya.
"I'm sure may nangyaring noong gabi ng prom natin. Kayo lang naman ang magkasama at bigla na lang kayong nawala. Tapos kinabukasan hinanap hanap mo siya na parang sira!" tawa niya at namula na ang pisngi ko.
Kahit kailan talaga si Mia talaga. Minsan naiisip ko kung may hidden camera ba itong isip niya? Namula na tuloy ang mukha ko. Hindi ko maitago sa kanya ang kilig at saya sa puso ko. Bahala na nga siya!
"Ang pula ng pisngi mo, Isay," inis niyang tawa.
"Halata ba?"
Humalakhak na siya. "Oo, sobra."
"Masarap bang humalik si Charles?" at hindi pa talaga siya natapos!
"Hoy, Mia! Mga bata pa tayo at seventeen pa ako at ikaw rin!" pero ang totoo nakakahiyang pag-usapan ito.
"Weee bulahin mo ako, Isay! Okay lang naman ang halik basta alam mo lang ang limitasyon 'di ba? At isa pa si Charles iyon. Kahit siguro ako magpapahalik din sa kanya. Pero syempre boyfriend mo na, hanap na lang ako ng ibang gwapo," tawa niya. Ang bruha talaga!
"Huwag mo munang sabihin sa mga kaklase natin ha. Sekreto pa kasi. Ayaw kung pag pyestahan ako ng tsismis."
"Oo naman. Alam ko, Isay. Maraming ingetera rito, kaya I'll zip my mouth," sabay ngiti niya at taas ng dalawang kamay pa.
NAGDAAN ang anim na buwan, long distance relationship is real and tiresome but worth it. Pero okay lang, kasi mga bata pa naman kami at mabuti na rin ang ganito malayo sa tukso. Iba kasi ako kapag andyan siya. Alam niyo naman siguro ang nangyari ng gabing iyon. Kung hindi lang nauntog ang ulo ko ewan ko na lang!
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...