Chapter 38. Warm

3.2K 130 0
                                    




Warm


"Shit!"

Palakad lakad ako sa loob. Think Isabella, think! Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Kumalabog ng husto ang puso ko. I never thought of all the places, dito ko pa siya makikita? At talagang dito pa sa Mazara del Vallo!

Buwesit! Inis na tugon at ramdaman ko pa rin ang sakit sa puso ko.

And who's that woman? What the heck? I'm pretty sure he called him Natalie. Hindi ba dapat engaged na siya ngayon kay Avon. Iyon ang huling balita ko. Noon si Miranda, tapos si Tracy, ngayon si Avon. And the heck, meron pa pa lang Natalie. Ang gulo-gulo. Ang daming babae nalilink sa kanya. Pakialam ko ba!

Pakiramdam ko sasabog na ako pero kinakabahan pa din. Bakit? What will I do now? This is happening already. Hindi ko alam kong maiihi ba ako o magpa fiesta ba dahil sa sobrang inis at galit. Ang malas ko talaga!

Matagal ko na itong pinaghandaan. Kung sakaling mag-krus man ang landas namin ay wala na akong mararamdaman sa pa kanya. I was sure that there's nothing left beside hatred. Dapat pala pati galit kinalimutan ko na, para wala na talaga. Pero ngayon na nakita ko na siya, ay muling nabuhay lang ang nakaraan ko sa kanya.

"This is freaking hell! I hate you Charles Aragon Delavega!" sigaw ko.

Wala na akong pakialam kung marining man niya ako sa kabilang kwarto. Pero sound proof naman 'ata ito ano? Hindi naman niya siguro ako narinig. Lumapit na ako sa dingding at hinawakan ko pa ito. Inilapit ang tainga at pinatunog ang dingding. Para akong tanga! Ang gaga mo talaga Isabella!

Tiningnan ko ang orasan at alas nuebe na. Kailangan kong maghanda para sa conference. Bahala na. I will just play dead, dead-ma! Kung sakaling makikita ko man siya ulit sa labas ay hindi ko na siya papansinin pa.

I'm sure it's just nothing. Baka nagbakasyon lang siya at nagkataon lang na ngayon ito. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. I need to fix myself. I am a professional and I should deal all of this like a pro. I'm sure hindi ko na siya makikita mamaya.

Naghanda na ako. I put on a light make up and fix my hair. Simpling pormal na damit at mini skirt ang suot ko. Ayaw kong mag blazer kasi naiinitan ako. Kaya ang off shoulder ko na long sleeve type cotton ang sinuot, at may malaking ribbon ito gilid ng balikat ko. Bahagyang nakiktia ang balat ko, okay lang. May ipagmamalaki naman ako sa harap. Naka-heels na pula at itim na shirt. Tinatali na ang mahabang buhok ko.

Sa baba lang naman ang conference, sa function hall. I have had a look at it yesterday and it was big enough for the event. I took a deep breath before opening the door. Dahan-dahan pa ang pagbukas ko nito.

"I can do this!" tahimik na saad ko sa sarili.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at tiningnan ko muna ang kabuuan ng hallway. At nang mapansin na walang ibang tao ay lumabas na ako.

Maingat ko pang sinara ang pinto ng kwarto ko. I slowly walk in a tip-pi-toe. Pero rinig ko pa rin ang ingay na likha ng takong sa bawat hakbang ko, Nahinto ako at tinitigan ang paa ko. Ang baliw nito! Mura ako sa sarili. Kailangan kong tangalin ang heels na suot. Nasa harapan pa naman ako ng pinto niya.

Nang matangal ay maingat na akong humakbang dito. Para akong bata na takot na mahuli ng mga magulang niya.

"What the hell are you doing?" baritonong boses niya at nahinto agad ako.

Tumibok na naman ang walang hiyang puso at parang hindi na ako makahinga. Tumaas ang balahibo ko sa batok at mas kumalabog ang puso ko. Pati ba naman boses niya nag iba na ng konti? Naging lalaking lalaki na talaga. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko bago ako lumingon sa kanya.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon