A Slam Book where secrets reveals...Secret Note
Patapos na ang school dalawang buwan na lang, at sa susunod na buwan ay school foundation na. Pagkatapos nito ay ang senior and juniors night na. Abala na ang lahat sa mga preparasyon na projects at iba pa. Submitted na ang lahat ng projects ko at wala na akong ginagawa masyado.
I heard our classroom will be a horror house during the school foundation day. Nakakatawa nga naman ito, at ang galing din ng class president namin ano? Horror house talaga? At ano kaya ang papel ko? White lady? Nakakatawa!
Charles Aragon Delavega is our student body organization president. He's busy to in doing other things, while Miranda is our class prisdent. Si Mia naman ay abala na sa kanyang field trip for next year. Hinihintay ko pa ang result kay Charles kung nakapasok ba ako. Malalaman ko raw mamaya. Iyan ang sinabi niya sa akin kahapon.
Hinanap ko agad siya pero hindi ko siya makita. Nagkakagulo ang boung kaklase kong mga babae sa loob. Ano ba ang meroon at bakit parang nawiwindang sila? Pasimpli ko silang tinitigan lahat. Ang iba, tumitili, kinikilig, at nagkakagulo na.
Dumating na si Mia at naupo agad siya sa tabi ko na nakangiti. Napalingon siya sa ingay na grupo at gayon ulit ako. Kumunot ang noo niya at tumayo palapit sa kanila.
"Anong kaguluhan ito?" si Mia sa kanila. Kinuha niya agad ang notebook. Mukhang notebook siya sa tingin ko.
"Aha! Slam book!" saad niya.
Tiningnan niya ang slum book at binasa. Ngumiti siyang malalim at nakitili na rin. Naintriga na tuloy ako, kaya tumayo na ako at nakichismis na. Ang chismosa ko rin pala!
Tumabi ako kay Mia at binsa ito na hawak niya.
Name: Charles Aragon DelaVega, bithday, at iba pa. Aha! ito yata ang best part.
Have you been in-love: yes
Name of your crush? M.L.I"M.L.I?? kumunot ang noo ko. M.L.I? As in Miranda Leigh Dela Merced? Is it Miranda?" tugon kong nakatingin kai Mia.
"Tingin ko. Pero intial lang naman. Pwede namang baliktarin 'di ba? Mendoza Love Isabella," galaw nang mga kamay niya.
Kumunot agad ang noo ko, kaya sinapak ko ang balikat ng bruha!
"Alam mo hindi ka nakakatawa," pamaywang ko.
"Hala! Baka tama ka, Mia," sabi ng isa naming kaklase.
"Tingnan mo pwede naman kas ano? Napapansin ko rin ito, Isabella. Nakatitig siya palagi sa'yo," saad pa ng isa naming kaklase na babae.
"Oo nga tama ka! Ako nga rin napapansin ko araw- araw na panay ang titig sa'yo ni Chales," ngiti ng isa pa.
Napailing na ako. Tsk, grabe rin mag-imbento 'tong mga 'to! Ibig sabihin talagang type na type nila si Charles ano? Akalain mo pati sa kilos niya binabantayan ng mga babaeng ito!
"Alam ninyo tumititig naman talaga si Charles sa lahat. Grabe kayo ah, at bakit parang ako na? Ako na agad? Ganoon! Ayan nga si Miranda oh." Tinuro nang kamay ko ang mukha ni Miranda sa baba, at tiningnan ko na din ang notebook para mabasa ang kay Miranda.
Name: Mirand Leigh Inez, birthday, etc..
Have you been in-love? Yes
Name of your crush: Charles and KarlWhat the-- d-dalawa talaga? May ganoon? Hindi ba pwedeng isa na lang at ibigay sa amin ang tira! Kainis ang bruha!
"Look here," sabay pakita ko sa mga klassmates ko ang slam book.
Natahimik sila. Now it's over! Wala na, quits na, tapos na! Tsk, ibang klase. Napangiwi na lang din ako sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...