JealousNatapos na niya akong sukatan at bumalik na kami sa lounge area. Iniwan ako ni Irish dito at ngumiti siyang bumalik sa ginagawa niya. Tumayo na ako para tiningnan ang bawat desenyo ng damit. Lahat puro magaganda at eleganteng ang pagkakagawa. Narining kung pababa na sina Charles at tita niya sa hagdanan kaya umayos agad ako pabalik sa akong nasaan sila.
"Thank you, Tita. And I'll be back soon, promise... I'll come back often," ngiti ni Charles at humalik na siya sa pisngi nito.
"You should or magtatampo na ako. Sige ka," nakangiting tugon niya sabay yakap kay Charles.
"Maraming salamat po," saad ko.
"Nice meeting you too, hija. Take care okay," ngiting tugon niya.
Nang makalabas kami binuksan niya agad ang sasakyan at pumasok na ako. Umikot siya patungo sa driver seat at kumayaw kaming pareho sa tita niya.
"Let's get something to eat," saad niya at tango ko.
"Saan mo gusto?"
"Kahit saan. Kahit sa karenderya okay na ako roon," ngiti ko.
Kumunot na ang noo niya na nag-iisip. Bakit? 'di pa ba siya nakakain sa karenderya? Palagi kaya kami ni Mia roon. Masarap kaya at mura pa. Pag-iisip ko.
Inihinto niya ang sasakyan sa harapan ng isang sikat na kainan dito sa syudad, sa high ridge. Maganda rito dahil makikita mo ang kabuuan at maganda ang view. May kalayuan na biyahe pero hindi naman masyadong malayo.
Pumili siya ng mesa na nasa labas. Maganda kasi kung tanaw mo ang kabuuan ng paligid. Tumingin na ako sa menu pero wala akong ma-isip na kakainin.
"Ikaw na pumili, Charles. Kahit ano kakainin ko," ngiti ko sa kanya habang ang mga mata ko ay gumagala sa harapan ng tanawin. Tumango lang din siya.
Pagkatapos mag order ay unang binigay ang inomin namin. Mango shake ang sa akin, paborito ko kaya ito at pineapple juice naman sa kanya. Tiningnan ko siya habang iniinom ang juice niya. Seryoso pa rin ang mukha niya pero nakatitig na ito sa akin ngayon.
"Paano mo naging tita si Mrs. Erine Delaviste?"
"Tita ko sa side ni daddy," tugon niya habang iniinom ang pineapple juice. Napatingin na siya sa view sa labas at ganoon din ako.
"How did you know, Sebastian?" agad na tanong niya at napatitig agad ako sa kanya.
Ito ba ang issue niyo simula pa kanina kaya tahimik siya? Isip ko habang pinagmamasdan siya. Hindi kasi nakatingin sa akin habang tinatanong ito, at halata ang pag-iwas ng titig niya.
"C-Code Blue. Hindi ba isa ka rin naman sa mga myembro. Fan si Mia ng banda nila nong first year pa lang kami kaya nakilala ko siya nakilala," sagot ko.
Sumeryoso ulit ang mukha niya at nakatitig na sa akin ito. Ininom lang din niya ang pineapple juice.
"Remember when I saw you on that restobar from a long time ago? Ang tagal na noon, tatlong taon na. Di ba tumugtug ka na kasama sila? Iyong pretty woman? Kilala ko na siya noon pa," pagpapatuloy ko inom na din sa mango juice ko.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Did he courted you?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin at nakatingin lang sa juice na hawak niya.
"Hmm, oo," tango ko. "I was only fourteen that time and I'm not interested, Charles," sagot ko.
"And now you are?" medyo iritado sa boses niya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...