Chapter 29. Charle's POV p4

3.1K 135 0
                                    




Part 4

Charle's POV


NAKITA ko si Sebastian sa hallway naghihintay siya sa pagdating ko. Pumasok siya sa condo ng pumasok din ako. Naiinis pa din ako sa kanya, pero casual lang siya na parang walang nangyari. Iba na nga siguro kapag nag mature na ang isang tao, kompara sa isang teenager na tulad ko.

"Charles, I won't get in the way."

Nahinto ako sa paglakad at nilingon siya. I have not given him my smile at all. Galit pa ako sa kanya.

"She's not even 18 Charles.Let her decide on her own. Mga bata pa kayong dalawa, Charles."

Uminit ang ulo nang marining ko ito. Parang sampal ang sinabi niya at ipinamukha sa akin na wala akong karapatan pag-dating sa usapan na ganito. I glared at him before talking.

"Bakit Sebastian? Anong alam mo sa pag-ibig? You're a coward!" galit akong lumapit sa kanya. Nakikita ko na naningkit din ang mga mata niya sa galit sa akin.

"Okay, fine! Do it your way! Paano mo siya ipaglalaban? Kaya mo ba? Anong magagawa ng isang 18-year-old na tulad mo, Charles? Kakalabanin mo ang daddy mo? Ang negosyo ninyo? Think, bro! Think!" buong boses niya.

Sinuntok ko na ang dingding na semento sa galit. Tama siya wala akong magagawa, wala akong laban. Pero kailanman hindi ko kayang talikuran si Isabella. Hindi ko 'ata kakayanin iyon.

"I won't get in your way, Charles. I'm not gonna go in between you and Isabella. She never had her eyes on me when I was at your age... I wish she did. Pero hindi ko rin siguro maabot ang anong meron ako ngayon kung hindi ako lumayo," sabay tipik niya sa balikat ko.

"Tracy's family is pushing the engagement early than you expected, Charles. Tita Erine told me. Their company needs your dads company and vice-versa. But they want their assurance and Tracy wants you, or else--or else they will withdraw some shares. Ginigipit nila si Tito Charles. Ginigipit nila ang daddy mo."

Hindi ako makapagsalita, tama si Sebastian I should have set my priorities first. Nasasakal ako pero kailangan kung pumili, kailan kung maka-usap si daddy. I have made my decision already.


"Here take this!" Sabay bigay ni daddy ng susi sa bmw. Kumunot ang noo kong nakatingin pabalik sa kanya. Tapos na kaming nag-usap, and I stick still on my decision.

"I know you gonna choose this than being tied up to Tracy. You never let your guards down, Charles. I'm impress," bahagyang tawa ni daddy.

"Study and manage the business there in Canada. I'll see how will you go on your own. Ililipat kita sa Amerika pagkatapos." Humakbang si daddy patalikod at my kinuha sa drawer niya.

"Why choose a hard way Charles If there's an easy way, hijo?" tanong niya at hindi ako umimik.

Dad is very straightforward and everything is on plan. Para sa kanya lahat ay nakasulat at nakasaad na. Everything is a business, purely business. Lahat ng bagay may kapalit at lahat ng bagay ay nabibili ng pera. Mum and Dad are like that. Natutunan lang nilang mahalin ang isat-isa pagkatapos ng arrange marriage nila. I don't want to be like that. I want to choose the woman I want to be with.

"Is there someone your are protecting, hijo?" seryoso niya tanong. Hindi pa rin ako sumagot at nakatingin lang sa malaking bintana ng opisina niya.

"Then make sure na kaya mo. Feelings doesn't count in this business, Charles."

Umigting ang panga ko sa narinig mula sa kanya. Pinag-isipan kong mabuti ang lahat. I know there's no turning back anymore. Magkamali na kung magkamali, pero ito ang pipiliin ko.


The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon