Back to present...
Cheeska
Science day today. Yes, at least laboratory na lang ang mga gagawin namin. Wala na masyadong stress. Iniisip ko pa lang mas maganda ang laboratory kasi lahat naka-grupo at mas madali rin kaysa sa solo.
Inayos namin ang mga kakailanganin sa laboratory experiment. Dalawang sections ang nasa laboratory at kasama na ang section namin. Nag-fill up na kami sa mga borrowed items at inihanda na sa lamesa para masimulan na. Katabi namin sa kabilang mesa, ang grupo nina Charles.
Mataas ang oras ng laboratory, kaya halos sa patapos ng grading na lang ito ina-apply kasi aabot hanggang dalawang oras.
Inisa-isa ni Mia ang bawat equipment na nasa lamesa: bunsen burners, beaker, flask, cylinder, test tube, funnel, thermometer, florence flask at weighing scale. Kasama na ang paper sheet, forms at ipa ba.
Nagsimula na kami at nagbasa step one hanggang katapusan ng step. Ingat na ingat naming sinunod ang bawat direksyon. Mahirap na magkamali mataas pa naman ang steps, kakaloka!
Ako ang taga mix ng chemicals sa bawat equipment, assistant ko naman ang dalawang lalaki na kasama namin, sina Mat at Dave. Habang si Mia naman ang tagasulat.
Maingat kong ginagawa ito. Mahirap na magkamali. Natapos ang isang oras at kalahati at natapos na din namin. Nakuha ang tamang resulta. Pero unang natapos ang grupo nina Charles at Miranda. Obvious ba? Brainy ang dalawa. Pagtapos halos sumunod sunod na ang ibang grupo pa.
"Well done group mates!" saad kong nakangiti.
"Okay, linis time!" saad ni Mia.
Isa-isa na naming niligpit ang bawat equipment. Dahan dahan, pero sadya talagang malas ako. Dahil nadulas sa kamay ko ang florence flask at bumagsak ito sa paanan ko. Nabasag.
"Shocks!" tulalang tugon ko habang nakatitig sa nagkalat na bubug sa harapan ko.
Nakatayo ako at natutula ng iilang segundo. Napayuko ako para sana pulutin ito. Nang may biglang humawak sa palapulsuhan ng kamay ko sabay hila pataas ng katawan ko.
"No! Stop, Isabella," sa higpit sa hawak niya. Tumingala ako at si Charles ito.
Nakakunot ang noo niya at seryosong nakatitig sa akin ng husto.
"Tumayo ka," utos niya.
"H-Ha?" awang ng labi ko.
Hindi ko tuloy alam kong ano ang gagawin ko. Hindi pa ako tumayo. Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Iyong malalaking butil lang naman ang pupulutin ko," pangatwiran ko sa kanya.
"No. I said stand up!" sa buong boses niya.
Iba ang aura ng mukha niya habang nakatitig sa akin. Kahit na galit ang mukha niya ba't ang gwapo pa rin? Ay ewan! Pag-iisip ko, kaya tumanyo na agad ako. Hinila niya ako nang bahagya sa likurang bahagi niya.
"Stay there and don't move," tugon niya.
Hindi na lang ako umimik. Natahimik naman ang boung kaklase namin habang nakatingin sa amin. Kasama na sina Mia at ka grupo ko. Humakbang si Charles patungo sa gilid at parang may kinuha lang din.
Naka gloves na siya at may dalang maliit na dusting fan at brush. Napayuko agad siya at siya na mismio ang naglinis nito. Nakatayo lang din ako sa gilid habang pinagmamasdan siya. Natapos na siya at inilagay sa basurahan ang basag na butil. Sinunod ko lang siya ko ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...