The Past10-years-ago... high school years
Mabilis akong pumasok sa gate ng school at mabilis ding naglakad papasok sa loob ng classroom. Hinanap ng mga mata ko si Charles, pero wala hindi ko siya makita.
"Mia si Charles nakita mo ba?"
"Ha? Bakit? Hindi. E, kaya ang magkasama kagabi 'di ba?" nalilitong tugon niya.
Tinanaw ko ang oras at alas utso pa naman, baka mamaya darating din iyon.
"Are you okay, Isay?"
Naupo agad siya sa tabi ko at inayos ko na ang mga gamit ko.
"Oo naman bakit?" kabadong tugon ko.
"No your not! Did something happened last night with Charles? Kasi hindi ko na kayo nakita pagkatapos ng sayawan. Umalis na kayo ano?"
"Umiwi na kami ng diretso," diretsong sagot. Medyo kinabahan ako sa tanong niya. Kilala ako si Mia at mahirap magtago ng sekreto sa kanya. Madali niyang nababasa ang kilos ko.
"I love you dress last night, Isay. Gawa iyon ni Ms. Delaviste ano?"
Alam kong mahilig siya sa fashion at ini-idolo niya si Ms. Delaviste pagdating dito.
"Oo," ikling sagot ko.
"Gustong-gusto ko ang mga gawa niya talaga, Isay. Gusto ko maging kagaya niya balang araw," ngumiti siyang kumurap pa.
"You will be, Mia. Ikaw pa. Ang talino mo kaya," ngiti kong balik sa kanya.
LUNCH time na lang wala pa rin si Charles. Hindi naman sa gusto ko siyang makita, pero oo na miss ko rin siya. Pagkatapos kasi nang pangyayari kagabi at nang maihatid niya ako sabahay ay hindi ako nakatulog buong magdamag. Naguguluhan ako sa sitwasyon, pero aminin ko, gusto ko si Charles. Mahal ko na 'ata ang baliw na iyon.
Natapos na lang ang boung araw walang Charles na nagpakita. Naghapunan ako ng walang gana at tahimik. Kung bakit hindi maalis-alis sa isipan ko ang nangyari kagabi ay hindi ko alam.
Tumong na ang cellphone ko at isang text message ang natangap ko.
Charles text message:
Isabella, I'm here in Canada, babe. Please save this number and we'll catch up soon. Talk to you in videocall once I'll set everything. I love you.Napangiti ako nang mabasa ito. Nasa Canada na pala siya. Ang bilis naman. Paano ang pag-aaral niya? Hindi na ba siya babalik? Naguguluhan ako at ang daming tanong sa isip ko. Alam ko naman na pupunta siyang Canada. Hindi ko lang inakala na ganito kadali. Nakakalungkot, pero ano pa ba ang magagawa ko? Wala na...
Okay lang, high-tech naman na ngayon at maraming paraan para makapag-usap kami.
GANITO ang mga eksena namin ni Charles araw-araw. Hangang sa dumating na ang tatlong buwan. At least nag-uusap kami gabi-gabi. Minsan sa madaling araw na. Ang hirap kasi ng schedule. Kapag gabi rito sa Pilipinas, umaga naman sa kanya. At kapag umaga rito, gabi naman doon. Minsan nga parang ang laki na ng eyebags ko tuwing pumapasok ako sa school.
"Hi, babe! How's my baby today?" ngiti niya. Nakavideo chat kami.
"Good, babe. Ikaw? Busy ba?"
"Hmm, medyo. Nagpapare-charge ako," pilyong ngiti niya sa akin.
Kumunot na ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan ito.
"Re-charge? Ano? Low bat ka ba?"
"Nope, I mean me. I'm re-charging myself by talking to you."
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...