Event"Ahm, hi," tupid na tugon niya nang magtapo ang mga mata namin dalawa. Umiwas agad ako at yumuko na lang din. Ang akala ko ang isa sa mga kasama ko ang pumasok. Nakasanayan ko na kasi. Iba pala, dahil si Sebastian ito. Natahimik na ako.
"Nag-usap na ba kayo ni Charles?" tanong niya habang pinupulot ang iilang papel sa sahig.
"H-Ha? H-Hindi pa. Hindi ko kasi makontak," mahinang boses.
Mas pinatuyo ko na ang luha ko ng mabilisan at pilit na ngumiti sa kanya. Tumayo na rin ako at si Sebastian na mismo ang naglagay sa mga papelis sa mesa.
"May kailangan ka ba? Wala si Daddy. Sabado ngayon."
"I know... I've called him already. I'm just here to get the documents that he prepared yesterdaty. Nasa lamesa lang daw niya ang kopya, kaya naparito ako. Kukunin ko lang," seryosong titig sa akin.
"Ah, okay..." Sabay tango ko.
Tiningnan ko na ang lamesa ni daddy at nakita ko ang isang brown envelop. Nakasalat ang pangalan ni Sebastian sa labas nito. Kinuha ko ito at ibinigay sa kanya.
"Thank you," pilit na ngiti niya sa akin.
Tumango na ako sa kanya. Tiningnan ko pa ang pagtalikod niya. Gusto kong magtanong tungkol kay Charles, pero parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Isabella," Sabay lingon niya. "Cheer up... I may not know the reason behind this, but I believe Charles has his reason for not letting you know."
Napalunok na ako at tumango na. Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Oo, alam ko... Salamat, Savy," tipid na tugon ko.
Umalis na siya. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon. Pero dahil mahal ko si Charles magtitiwala ako sa kanya.
LUNES NGAYON at papasok sa ako sa paaralan. Alas dyes na nang makarating ako sa parking lot. May trenta y minutos pa ako bago magsisimula ang klase namin. Medyo napaaga kasi ako ng konti. Hindi muna ako lumabas ng sasakyan at inihanda ang iilang gamit ko at assignment ko. Hanggang sa huminto ang puting kotse sa tabi ng kotse ko.
Napatingin ako. Isang maputing babae na mahaba ang buhok at pula-pulang ang lipstick sa labi. Tinitigan ko siya ng maigi. Hindi naman tinted ang bintana ko kaya nahalata niya agad ang pagtitig ko sa kanya. Ngumiti agad siya at binaba ang bintana ng kanyang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuang hitsura ng mukha niya... Si Tracy!
Napalunok ako. Lumabas siya at humakbang palapit sa akin. Naghalo ang kaba sa puso ko, pero hindi ako paapekto. Binaba ko na ang bintana ng sasakyan ko, dahil mukhang ako naman ang sadya niya. K
"Hi!" panimula niya at nakangiti pa.
"I'm sorry for being rude last time. Kaibigan mo si Miranda 'di ba?"
Tumango ako at may inabot agad siya sa akin, invitation card ito.
"Pakibigay na lang ito sa kanya. Wala na akong oras para hintayin siya, at ito na rin para sa'yo. Tutal magkaibigan naman kayo, samahan mo na!" arteng tugon niya at nakataas pa ang kilay.
"What's your name by the way? I have to let them know. Strictly for people who are invited lang kasi," tugon niya sabay kuha sa cellphone sa bulsa niya. Akmang may tinawagan siya.
"Isabella Mendoza," saad ko.
"Okay, Isabella Mendoza too. Yes please put her name on the list," saad niya sa kausap sa kabilang linya. Natapos na din siya sa tawag at humarap ulit sa akin.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...