Chapter 21. Measurements

4.6K 239 53
                                    



Measurement


Hindi ako mapakali kung ano ang susuotin ko. Kanina pa ako pabalik balik. Dalawang oras na naghahanap at nagsusukat ng damit, at hindi ako makapag-isip.

Ano ba to? Hindi naman ito date at lakad lang na importante. Ba't ba pakiramdam ko parang date na itp at napaparaning itong puso ko!

Nagpaalam na ako kina Mommy at Daddy. Mag t-text na lang ako kay Manong Ted mamaya kung magpapasundo ako sa kanya. I settled for a floral dress na hanggang tuhod ang haba. May short din akong suot baka kasi liparin ng hangin ang palda ko. Nakakahiya naman kong makikita pa pati panty ko!

Naka-flat shoes ako na floral din. Mas madali ito kong sakaling mag takbuhan. Ano ba itong mga naiisip ko? Ang baliw na ng utak ko ngayon.

Tumunog ang cellphone ko at binasa ko ang mensahi rito. Nasa labas na raw siya at naghihintay lang din. Kinabahan na tuloy ako, at tinitigan kong muli ang sarili ko sa malaking salamin dito sa kwarto. Naglagay ako ng pabango sa buong katawan, at huminga ako ng malalim. Handa na ako!

Patakbo pa akong bumaba ng hagdanan. Mabilis kong binuksana ng gate at ang mukha niya agad ang unang tumambad sa harapan ko. Nakasandal siya sa sasakyan niya at ang lawak pa ng ngiti nito sa labi.

"Good morning! Ready?" nakangiting tugon niya at litaw na litaw pa ang magkabilang dimples sa pisngi.

Dahil sa suot niyang rayban ay hindi ko makita ang mga mata niya. Kaya sa dimples niya napako ang paningin ko. Nakaputing long sleve at naka rolled up sa magkabilang braso sa damit nito. Nakasuot ng faded jeans at maitim na shoe lace na sapatos. Napakapormal niya. Saan kaya kami papunta? Hindi ko alam at natahimik na lang din ako sa kanya.

Binuksan niya agad ang passengers seat side sa harap at pumasok na ako. Maingat niyang sinara ang pinto ng kotse at ako na mismo ang naglagay ng seatbelt ko. Naupo siya sa side niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Saan tayo?"

"You'll see once we get there," ngiti niya at nagmaneho na.

Wala kaming imikan dalawa at seryoso lang din siyang nagmaneho. Ang awkward nito! Hindi ako sanay. Isip ko. Napansin niya siguro, kaya pinindot niya ang playlist touchscreen sa sasakyan niya. Pero napansin kong abala ang mga mata niya sa daan.

"Ako na. Magmaneho ka na lang ng maayos." Sabay pindot ko sa mga playlist niyang nakalagay.

I did my scan. Mahilig pala siya sa mga country rock music, slow music, at mga tagalog din. Pumindot ako ng kanta at tumugtog na ito. Wala pa rin kaming imikan dalawa. Napalingon na ako sa kanya at seryoso lang din ang mga mata niya sa daan, sa pagmamaneho ng sasakyan.

Ngayon ko lang 'ata napansin siyang ganito. Madalas naman kasi nakangiti siya. Pero iba ngayon dahil seryosong-seryoso siya.

Ilang sandali nahinto ang sasakyan sa tapat ng boutique. Isa itong bridal boutique at kilalang sikat sa syudad namin. Napatingin tuloy ako sa gusali at nag-iisip na din. Magpapasukat ba kami? Bakit? Anong meron? Sino ang ikakasal? Ang daming tanong sa isip ko.

Bumaba siya ng saksakyan at binuksan lang din ang side ko. Bumaba na rin ako. Naglakad kami papasok at binuksan niya ang pinto ng shop para sa akin. Tahimik pa din siya nang makapasok na kaming dalawa.

Unang beses ko pa lang makapasok sa boutique na ganito. Ang ganda nga naman at nakamamangha ang mga desenyo ng damit na sasalubong sa pagpasok mo rito.

A designers brand. Ang mga magagandang bridal gowns na nakadisplay sa kaliwa at ang mga magagarang gowns naman sa kanan. Kasama na rin ang mga desenyong damit ng lalaki. Sa gilid naman makikita mo ang hagdanan at patungo ito sa ikalawang palapag. May elevator sa gilid katabi nito.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon