Chapter 12. Guilt

5.1K 256 83
                                    



Guilt


Sa bahay ko na binuksan ang binigay ni Sebastian. Ayaw ko mang buksan ito pero naintriga na ako sa ano man ang laman. Hanggang sa makita ko ang laman nito sa loob. Isang set ng earphones Sony ang brand. May kasamang key chain na 'a key to your heart'. Napangiti ako. Ang cute naman nito. Isip ko at may kasama pang mensahi sa loob.

Isabella,
Hope you like this.
Sebastian

Simpling mensahi pero bakit parang nagaalinlangan ako. Okay lang sana kong birthday ko, dahil iisipin ko itong isang regalo. Pero wala namang okasyon ah... Ay bahala na nga!

Nilagay ko ang keychain kasama sa mga key chains ko. Mga lock ng pinto at kong ano ano pang susi na meron ako, isinama ko ito rito.

"Ayan you got a new home, blend in," ngiti ko.


KINABUKASAN ang bilis talaga kumalat ang chismis ano? Kasi ininis lang naman ako ni Mia. Kalat kasi ang chismis na si Sebastian ay may binigay raw sa akin.

"Anong binigay ni Savy sa'yo, Isay?" ngiting-ngiti ni Mia sa akin.

"Earphones na bluetooth. Ito oh, try mo."

Sinubukan din naman agad niya. Tinanong ko siya kung sadyang ganito ba talaga si Savy. Ang alam ko kasi mas kilala niya si Sebastian dahil presidente nga siya ng fan club nila.

"Pakiramdam ko Isay type ka ni Sebastian. Kasi oh tingnan mo! May pa 'a key to your heart pang nalalam. Ang sweet niya talaga," ngiti niyang tugon.

Kumunot lang din ang noo ko. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ayaw ko talaga sa kanya. Hindi dahil sa agwat namin, kong 'di sadyang wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Ang advance ko mag-isip na parang baliw.


DUMAAN ang iilang linggo at sadyang pabalik-balik na ang titig ni Sebastian sa akin. It has come t a point that I am feeling uncomfortable. I can't move freely. Pakiramdam ko kasi may mga mata sa paligid ko. At ito ay ang mga mata ni Sebastian sa akin.

"Ihahatid kita mamaya, Isabella," pormal na tugon niya. Natulala agad ako at namutla na sa sarili.

"H-Ha?" sa awang ng labi ko.

"Ang sabi ko ihahatid kita mamaya sa bahay ninyo. I'll see you later!" Agad lang din siyang tumakbo palayo sa akin, at napaawang lang ulit ang labi ko.

Ang baliw na talaga nito! Isip ko.

Nagsitulakan ang mga kaklase kong babae sa pintuan. Nagkakagulo sila nang bahagya. Alam na rin ni Mia na susunduin ako ni Sebastian ngayon. Kinilig naman ang bruha! Hindi sana ako magpapasundo, pero ano pa nga ba ang magagaw ko? Wala na!

Naglakad kami patungo sa car park. Lahat halos nang nakakasalubong namin ay kumakaway sa kanya. Kilala kasi siya. Hindi ako umimik at siya pati na siya. Binuksan niya ang passenger seat side ng sasakyan niya at pumasok na ako.

Nakangiti siyang nang kung ano-ano, at nakikinig lang din ako. Naramdaman niya siguro na naiilang ako sa kanya kaya tumahimik na siya. Nakarating na kami sa harapan ng bahay namin. Bumaba siyang nauna at binuksan lang din side ko.

"Are you feeling uncomfortable, Isabella?" tanong niya.

"Oo," direktang sagot ko.

Rinig ko agad ang pagbuntong hininga niya.

"Look, I'm sorry, Isabella..." panimula niya.

"I'm trying my best not to go to you. I know your only fourteen, but I cannot stop myself, Isabella...Nakakabaliw ka minsan at nawawala ako sa sarili ko. Kaya pasensya ka na..." sa mababang boses niya.

Natulala agad ako at parang namutla na ako sa sarili ko. Hindi inakala na agad-agad ay maririnig ko ito mula sa kanya.

My goodness me! Is Sebastian in-love with me? OMG... Ang bata ko pa! Isip ko.

Napakurap na tuloy ako at hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.

"I can wait until you are ready, Isabella," pagpapatuloy niya.

Namilog na ang mga mata ko at mahina akong umiling sa kanya. Tumiim-bagang agad siya at makailang ulit pa ang pagkurap ng mga mata niya.

"No... Ayaw ko muna, Sebastian," wala sa sariling tugon ko at mas tinitigan ko na siya ng husto.

"Marami namang babae diyaan, Savy... I-I don't want you to wait. Kasi ayaw ko, at um, wala akong nararamdaman, Savy..." mahinang tugon ko.

Nakatitig lang din siya nang husto sa akin habang sinisabi ko ito. Bahagyang namula na ang gilid ng mga mata niya at yumuko na siya.

Ito na nga ba ang ayaw ko. Hindi ko siya gusto, pero ayaw kong may nasasaktan nang dahil sa akin. Ayaw na ayaw kong makasakit ng tao. Kaya kapag alam ko na ang isang tao ay may gusto sa akin ay pilit na akong umiiwas.

"You will forget me, Savy..." pagpapatuloy ko. "Salamat sa paghatid..." talikod ko.

Iniwan ko siya na nakayuko at nakatayo pa rin. Naaawa talaga ako sa mga eksenang ganito. Nakaka-guilty pero wala akong magawa.


MAG-IISANG buwan na hindi ko nakita si Savy. Maaliwalas ang mga araw na iyon para sa akin. Nawawala ang guilt ko, pero taliwas naman iyon kay Mia. Usap-usapan nang mga higher level na nagbakasyon daw sila boung pamilya sa probinsya nila.

"Nasaktan 'yon ng sobra, Isay. Binasted mo kasi," ngiwi niya sa akin.

"Kung sa akin siguro 'yon nanligaw ay naku!" pagpatuloy niya.

"Mia, hindi ko naman kasi gusto iyong tao. Mahirap naman kasi iyon."

"Kung sa bagay tama ka... Hindi naman natin kasi nauutusan ang puso," saad niya.

Natahimik na ako. I felt the guilt straight away. Alam kong masakit iyon para kay Sebastian, pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya. Mabait naman siya pero hindi ko lang siya talaga gusto.

I am always frank to people if I like them or not. Ayaw ko kasi na pinapaasa sila, lalong-lalo na si Sebastian. He's famous and every girls aroung the campus like and loves him, and that includes Mia. Ayaw ko ng ganito, dahil baka ako lang ang magiging dahilan ng gulo nila.


❤️❤️❤️
salamat much

❤️❤️❤️salamat much

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon