Me vs. MirandaP.E. Nanaman. Nakapang field na attire nanaman kami. Dahil inspired ako ngayon at maganda ang umaga ko, ay nakangiti ako na parang sirang aso. Hindi pa rin kasi matangal sa isip ko si Charles at pakiramdam ko nakalutang pa ako sa ere.
Nag stretching kami bago sinimulan ang game. Badminton at by groups ito. As usual, kasama ko sa team si Mia.
Simula ng mawala na si Charles sa campus ay iba na ang takbo ng school. Ang mga babaeng baliw sa kanya noon ay na mimis na siya at naging stalker na sa social media niya.
Hindi naman siya nag po-post palagi. Iyon lang quote na gawa niya noong nakaraang linggo na pinabasa sa akin ni Mia at matagal na iyon. Pero alam kong kinukulit pa din siya ni Miranda. Kasi na-e-kuwento niya sa akin minsan na nag e-email daw si Miranda sa kanya. O kaya tumatawag. But I'm open minded. I trust him so much, at alam kong hindi niya ako kayang lukuhin kailangan man.
Alam kong mahirap ang long distance relationship. Dahil marami ang tukso. Lalo na sa kanilang mga lalaki. Pero kampante akong ako lang at hindi niya ako kayang ipagpalit kahit kanino.
Inayos ko muna ang sarili bago nag simula ang laro at pumuwesto na ako.
"Serve!" sigaw nang kabila hudyat nang pagsisimula.
Nanalo ang kabilang team sa first round.
"Okay lang iyan. Kaya pa, Isay?" tanong ni Mia.
"Sure!" Sabay tango ko. Hiningal na ako.
Second round kami ang nanalo, so tie na pareho. Sina Miranda ang nasa kabilang team. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya. Mainit ang pangatlong round. Two points lang ang lamang namin sa siyang nagpanalo sa amin.
"Okay next team," sigaw ng guro namin.
"Napagod ako doon ah," tugon ni Mia sa tagiliran ko.
"Okay lang nanalo naman tayo," ngiti ko sa kanya.
"CR muna ako, Mi." Tumayo na ako at tumango na siya.
Hinugasan ko lang ang kamay sa vanity unit ng pambabaeng toilet. Inayos ko rin ang buhok kong naka ponytail at pati na rin ang sarili.
Lumabas sa kabilang cubicle si Miranda. Nakikita ko siya sa salamin at tumabi't hinugasan din ang kamay niya. Hindi ko siya pinansin, at nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay ko. Una siyang natapos at umatras nang bahagya sa likod ko pagkatapos ay...
"Bitch!" Sabay hatak niya sa buhok ko.
"Aray ko!" Pilit kong inabot ang kamay niya sa likod ko, pero hindi ko maabot ito.
"Ano ba, Miranda! Bwesit!" Sabay sabunot ko na sa mukha niya. Pero kahit sabunot ay hindi ko magawang maabot siya.
"Malandi kang babae ka! Ano bang meron sa'yo at lahat ng mga lalaki hibang? Pati si Charles inagaw mo!"
Aha! Kaya pala ang init ng dugo ng bruhang ito! Masakit na ang buhok ko, dahil sa sobrang paghigit niya. Pero hindi ako papatalo. Kaya tinulak ko siya nang malakas, na siyang dahilan nang pagbagsak niya sa sahig.
"Bruha ka, Miranda! Noon pa ako nagtitimpi sa'yo ah!" Sabay sabunot ko sa buhok niya.
Nagsabunutan lang naman kami sa loob ng pambabaeng CR na halos walang mga pakialam. Ang haba pa naman ng kuku niya. Dios ko! Ang sakit nang dumapi ito sa magkabilang bisig ko.
"Anong pinakain mo kay Charles? Ba't patay na patay sa'yo? E, hindi ka naman kagandahan? Pangit!" sigaw niya.
"Oo, pangit nga ako! Kaya nga patay na patay sa akin 'di ba? Bruha ka talaga. Akala mo hindi ako lalaban sa'yo? Pwed nagkakamali ka!" Sabay hila ko sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...