Chapter 11. His stare

3.7K 143 0
                                    

continue as throwback...

His stare


NATAPOS na ang huling subject sa umagahan at lunch break na. Nasa canteen na kami ngayon para makakain. Sa bandang kwek-kwek at tempura kami. Ito lang din ang ginawang pananghalian ko.

"Unhealthy ang food mo, Isay."

"I know. Ngayon lang 'to promise. Bukas hindi na, kaya huwag mo sabihin kay mommy ha," ngiti ko.

"Naku ewan ko sa'yo!" ngiwi niya.

Pinagbawalan akong kumain ni mommy ng mga ganito. Pero minsan kung anong bawal mas masarap 'di ba?

May tumabi sa amin ni Mia. Apat na lalaki sila. Tumikhim si Mia at muntikan ng mabilaukan. Tumitig agad ako sa lalaking nasa tabi ko at nasa at tabi ni Mia. Obviously they're senior high school. Nilapag ng lalaking katabi ang dutchmill drink sa gilid ng plato ko.

Tinitigan ko ulit siya at ngumiti lang din siya sa akin. Naalala ko siya ang lalaki kahapon na naka-usap ko habang hinihintay si Mia.

"Hi, here drink this," ngiti niya at turo ng mga mata sa dutchmill.

Hindi ako nagsalita at umiwas na ako ng titig sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagkain. Napako ang tingin ko kay Mia at parang natataranta siya. Halata masyado na hindi siya makahinga dahil siguro isa sa mga lalaking ito ay crush niya!

"Hi Savy..." tipid na ngiti ni Mia na parang pusa. Nagpapacute lang din ang bruha!

Kumunot agad ang noo ko nang marinig ko ito mula kauyMia. Oh, I see... He's the famous vocalist and guitarist, Savy...

"Sebastian Steve Delavega," sabay lahad nang kamay niya sa akin at tinitigan ko agad ito.

Tumango lang ako at bahagya ngumiti sa kanya. Tinangap ko na ang kamay niya. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkain ng tempura. I feel so uncomfortable, because the boys are quiet and so is Mia. Ang madaldal na si Mia ay naging maria clara!

Tumikhim na ako at tinitigan si Mia sa harap ko, pero panay ang titig niya kay Sebastian. Kaya napatitig na din ako kay Sebastian ngayon.

"Tempura gusto mo?" ngiwi ko.

Wala na akong ibang maisip e. Kaya puro alok ng pagkain na lang din ang naiisip ko. Bahagya siyang natawa at napailing pa.

"Hindi na. Salamat," ngiting saad niya. Panay pa rin ang titig sa akin.

"Kwek-kwek? Fishball ? Sandwich?" Tinuro ko na ito.

Ayan, lahat na! Isip ko. Natawa na siya. Nakakatawa nga siguro ako. Nakitawa na rin ang mga kasamahan niya at napayuko ako sa sarili ko. Binilisan ko na tuloy ang kain ko.

"Palabiro pala 'tong kaibigan mo, Mia," saad ng isa sa kanila.

Oh, kilala nila si Mia. Obvious ba, Isay? E, si Mia lang naman ang presidente ng fan club nila! Kaloka!

"Isay... si ano-- ito si Adam, Renan, Vince, at Sebastian," sabay turo ni Mia sa bawat isa sa kanila.

Tumango-tango lang din ako, at ngiti sa kanila. Nagpatuloy pa ako sa pagkain ko. Tinitigan ako ni Mia at alam kung hinihintay niyang sabihin ko ang pangalan ko, pero 'di ko siya pinansin at kumain lang din.

"Isay? As in-- your name please?" saad ni Sebastian sa akin.

Tiningnan ko ulit si Mia. Pinagalaw ko lang ang kilay ko sa kanya. She can talk on my behalf and I don't mind it. Abala ako ngayon sa pagkain. Pwede na siya na magsalita. Okay lang.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon