Life is a Math equation. In order to gain the most, you have to know how to convert the negatives into positives. vo
Tutor
Three weeks after that incident same as usual pa din ang takbo ng araw-araw na routine nang buhay ko. Palapit na ang finals kaya medyo busy na ang bawat isa. Wala akong problema sa lahat ng subjects ko maliban nga lang sa Math.
Engineer si daddy at Accountant naman si mommy. Minsan napaisip ako kung anak ba nila ako talaga? O baka bobo lang talaga ako sa Math!
Ginulo ko na ang buhok ko habang tinitigan ang resulta nang semi-final exam namin.
"Ano? Anong score mo?" si Mia.
"Ikaw? Anong sa'yo?" kunot-noo kong ibinalik na tanong sa kanya.
"70/100," ngiti niya habang pinapakita ang kanyang papel.
Nakatingin ako sa kawalan habang tiningnan niya ang papel ko. Hindi na bago sa akin ang expresyon nang mukha niya. Hindi na nakakatawa!
"Magpa tutor ka kaya sa daddy mo."
"Ayaw ko. Palaging busy si daddy sa trabaho," ngumuso ako.
"Hanap na lang tayo nang ibang tutor mo?" ngiti niya.
"Sa tingin mo?" ngiti ko, "sino?" napaisip ako sa hangin.
"Ms. Mendoza!" tawag ni Mr. Bacal (Math teacher namin).
"Come to my class later at lunch. I have something to tell you."
"Yes, Sir!" Napatayo akong kinakabahan at tulala sa sarili. Kung malas ka nga naman oh! Isip ko.
Natapos na ang klase at and lahat ay nagsibalikan na chismis ng mga scores nila. Narinig ko pang sabi ng isang kaklase ko na si Charles ang nakakuha ng perfect score. Kaya ayan pinapalibutan na naman ng mga kababaihan. Palagi naman!
Matalino at gwapo si Charles Aragon Delavega. Known as the heartthrob and brain in our school. Lahat ng babae nagkakagusto sa kanya. They own the school and other affiliates.
Nasa limang school universities ang pag-aari ng kanyang pamilya. They also have businesses abroad. In Asia, Italy, Canada at South America. Dugong Espanyol ang daddy ni Charles kaya mestiso ang dating ni Charles. Same with his mom, na maganda rin.
Napatingin kaming dalawa ni Mia sa kabilang row. Palagi kasing ganito ang eksena sa silid namin. Mga babaeng naglipana kong nasaan si Charles ay nandoon din sila! Ako lang at si Mia ang walang paki- walang pakialam!
"Hindi pa pala pumapasok si Theo. Three weeks na."
Rinig kong tugon ng isang kaklase namin. Nagkatinginan kami ni Mia at nagkibit-balikat lang din ako.
"Buti ng sa kanya!" saad ni Mia at pinaikot na ang mga mata niya.
Nilingon ko ang pinangalingan nang boses sa likod. Nakatingin ang grupo ng kalalakihan sa akin. Ang grupo nina Theo. Nilingon ko rin ang kabilang grupo, na kung nasaaan si Charles. Nakatitig lang siya sa akin at pati na ang mga babae sa grupo nila. Binalik ko ang tingin kay Mia na parang walang nangyari.
"Samahan mo ko mamaya," seryosong saad ko sa kanya.
"Sige, pero hanggang pinto lang ako ha," ngiti niya.
"Salamat," ngisi ko.
PALAPIT na kami sa classroom ni Mr. Bacal. Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Siguro dahil makikita ko ang ultimate crush kong ng buhay ko na si Karl. Home class adviser kasi nila si Mr Bacal.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...