Chapter 19. Heartbeat

3.3K 139 0
                                    



Heartbeat


Natapos ang klase at para sa akin ito na 'ata ang pinakamahabang araw sa buhay ko. Nakakahiya gusto ko ng umuwi!

Itinapon ko sa mukha ng kapatid ko ang flush toy kong pumpkin.

"Burahin mo iyan! Ngayon na," giit ko at pamaywang na.

Sinalo nang mga kamay niya ang iilang bagay na itinapon ko sa kanya. Tawang-tawa naman siya. Ang sira talaga!

"Ate naman, ayaw mo ba? Sikat ka kaya?" pang-iinis niyang tawa.

"Ikaw ak! Wala ka talagang magawang matino ano! Burahin mo na. Ngayon na!"

Binato ko pa ng ibang unan na nandito sa sala na galing sa mga upuan namin. Sinalo lang din naman niya.

"Isusumbong kita kay mommy. Ipapa-cut ko ang allowance mo ng 50%. Ano?"

"Pwede e-private na lang muna ate please? Sayang ang viewers counts ko," takbo at tago niya.

"Wala akong pakialam sa viewers mo! E-delete mo na!" pilit na sigaw ko.

"Sige ka. Sabihin ko kay Karl na iyong kanta dedicated mo sa kanya," patuloy na pang-iinis niya.

Huh? Dedicated kai Karl? Nagpapatawa ba siya? Lintik naman oh! Pag-iisip ko.

"E, sige sabihin mo na. Wala akong pakialam!" at wala na talaga isip ko.

Nag-isip pa ang mukong kong kapatid na tumatawa.

"So hindi para kay Karl iyon? Ngayon alam ko na kong para kanino. Si Charles ano?"

Mas namilog na ang mga mata ko. Charles nga ba? Isip ko. Kumalabog ang dibdib ko ng hindi ko maintindihan ito. Ba't nga ba ako naapektuhan sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Charles. At kailan pa naging interesado ang kapatid ko sa mga ganitong bagay sa akin? May dapat ba akong malaman na hindi ko alam? Ay ewan! Isip ko.

"Huwag mong isali si Charles dito ha! HIndi ko kilala iyon!" pag-iiba ko, sabay bato pa sa kanya ng unan.

Humalaklak na ang kapatid ko. Mukhang nababasa niya ang mukha ko, kapatid ko nga siya ano! Alam na alam niya kong paano ako inisin ng husto. Kumalma na ako. Walang magandang patutunguhan ito.

"Sige na, ate. Kilala kita at kung hindi ka papayag talagang lalagyan ko na ng caption ito," pananakot niya habang natatawa. Hawak na niya ang cellphone niya at mukhang gagawin na niya ito. Kumalma ako dahil sa kaba.

"Okay, okay! E private mo na lang!" diretsong sagot.

"Ay tumpak!" sagot niya habang pinipindot ang kong ano sa cellphone niya at pinakita sa akin ito.

"Oh, ayan ah. Pribado na. Patas na tayo."

Mabilis siyang tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Huwag na huwag mo iyang ma public ng 'di ko alam or makakatikim ka sa akin!" sigaw ko.

Tinaas niya ang kanang kamay at sumenyas sa akin. Nakakainis. Napuno ng inis ang araw kong ito. Puro kahihiyan tuloy ang inabot ko. Galit ang isip ko. Tiningnan ko ulit ang site ng kapatid ko. Hindi ko na mahanap ang video ko. Nakapribado na nga. Mabuti na lang at nakahinga na ako ng maluwag sa loob ng puso ko.

Dumanting naman si mommy kasama si daddy na may dala dalang pasalubong. As usual pagkain na naman.

KINABUKASAN naghanda na ang mga kaklase namin para sa mga gamit na gagamitin sa school foundation day. Kasama ko si Mia at pinag gupit-gupit namin ang mga papel para gamiting decoration. Maraming magaganap sa school foundation day. Nandiyaan ang blind date, handcuff, marriage boot, horror room at iba pa. Meron ding events like school concert at presentations. Isang boung linggo na kasayahan ito at tiyak ang saya-saya nito.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon